28/04/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | ๐๐ก๐๐๐ฌ๐ข๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐ก๐๐ ๐ฃ๐๐๐๐ง๐๐ฌ๐: ๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ง๐๐๐ก ๐ก๐ ๐ฆ๐๐ก ๐๐จ๐๐ก, ๐๐จ๐ ๐๐ง๐๐ช ๐ฆ๐ ๐๐๐ก๐๐ ๐ช๐ข๐ฅ๐๐ฆ๐๐ข๐ฃ 2026.
Pinatunayan ng mga kabataan ng Parokya ni San Juan de
la Cruz-Ugong, na ang sining ay isang makapangyarihang anyo ng papuri matapos ang matagumpay na Dance Workshop 2026 na ginanap noong Abril 25-26, 2026 sa Avila Hall ng Parokya. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Parish Artist Guild (PAG)โLupon ng Sining at Kultura ng Parokya.
Binuksan ang unang araw ng workshop sa pamamagitan ng talakayan tungkol sa papel ng pagsasayaw sa lipunan. Dito ay binigyang-diin na ang bawat kumpas at galaw ng isang mananayaw ay hindi lamang para sa aliw, kundi isang banal na obligasyon sa pagpapahayag ng pananampalataya at paglilingkod sa komunidad.
Naging highlight ng workshop ang pagbabahagi ng kaalaman ni G. Jhon Virgel S. Elizaga,LPT, isang dalubhasa sa Folk Dance mula sa Philippine Normal University (PNU). Mula sa hapon ng unang araw hanggang sa ikalawang araw, ibinahagi niya sa mga kalahok ang mga teknikal na aspeto ng katutubong sayaw, kalakip ang disiplinang kinakailangan ng isang mananayaw.
Sa pagtatapos ng programa, nagpaabot ng malalim na pasasalamat ang ng PAG sa lahat ng naging bahagi ng tagumpay nito, partikular na sa mga sponsors at samahang pansimbahan. Kinilala rin ang suporta nina Rdo. Padre Jose Dennis A. Espejo, Kura Paroko ng Parokya ni San Juan de la Cruz, at Sis. Bunny Q. Balugo, Commission Head ng Social Communications, sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga kabataan na malinang ang kanilang mga talento.
Inaasahan na ang mga natutuhan ng mga kababataan ni San Juan ay hindi dapat manatili sa loob ng Avila Hall, kundi patuloy na magamit ang talento at mga bagong kaalaman sa mga gawain ng parokya at paglilingkod sa Panginoon. Gayundin, magamit ito bilang "buhay na handog" at maging inspirasyon sa iba pang kabataan na maglingkod sa Diyos sa pamamagitan ng Sining.
==================
โ