The Hoops Hub

The Hoops Hub Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from The Hoops Hub, Sports Event, St. Ignatius de loyola Lawaan 1, Talisay.

01/02/2025

3 PARENTING HATS

Lumalaki ang mga bata, at kasabay nito, dapat nagbabago rin ang paraan ng ating pagpapalaki sa kanila. Hindi pwedeng baby talk pa rin sa teenager, o tayo pa rin ang nagdedesisyon para sa may sariling pamilya na. Sa bawat yugto ng pagiging magulang, kailangan nating magpalit ng sombrero para magampanan ang ating papel nang tama.

Narito ang tatlong parenting hats na dapat nating isuot sa tamang panahon:

1. CONTROLLING HAT (1-12 years old)

Ito ang panahon kung saan tayo ang masusunod.
• Layunin: Ituro ang tamang values at magtanim ng matibay na pundasyon.
• Paraan: Connect before you correct.
• Hindi kumakain ng gulay? Kausapin sila, pero tayo pa rin ang masusunod.
• Ayaw mag-aral? Limitahan ang gadgets.
• Disiplina kapag kailangan, pero tiyaking tayo rin ang modelo ng mabuting asal.

Habang bata pa sila, dapat solid ang ugat ng kanilang pagkatao para sa hinaharap.

2. COACHING HAT (13-20 years old)

Sa yugtong ito, tayo ay parang coach na nasa sidelines.
• Layunin: Gabayan sila, pero hayaan silang magdesisyon para sa sarili.
• Paraan:
• Bigyan sila ng payo, pero sila ang magdedesisyon at gagawa ng aksyon.
• Magtiwala sa pundasyong itinanim mo sa kanila.
• Huwag pilitin ang pangarap mo para sa kanila—suportahan ang hilig nila.

Alam natin na magkakamali sila, pero tiwala tayo na matututo sila mula rito.

3. CONSULTANT HAT (21 years old and up)

Ang consultant ay nagbibigay lamang ng payo kapag tinanong.
• Layunin: Hayaan silang magdesisyon ng buo para sa sarili nila.
• Paraan:
• Magtiwala na kaya na nilang lumipad mag-isa.
• Pakawalan sila, pero iparamdam na nandyan ka lang kapag kailangan nila.

Ang parenting journey ay may hangganan, pero ang pagmamahal at suporta ay walang katapusan.

Kapag Hindi Tayo Nagpalit ng Sombrero:
• Mahinang pundasyon.
• Kawalan ng core values.
• Rebellion.
• Hindi nagiging independent ang anak.
• Strained na relasyon sa anak.

Parenting is a journey of growth—para sa anak at para sa atin. Suotin natin ang tamang sombrero sa tamang panahon.

“Train up a child in the way he should go, and when he is old, he will not depart from it.” (Proverbs 22:6)

Virtual hugs para sa lahat ng magulang na nagsusumikap sa kanilang parenting journey! ❤️

01/01/2025

ACT WELL 🚶
SPEAK WELL 🗣️
PRAY WELL 🙏🏻


23/06/2024
16/06/2024

Part 2

Address

St. Ignatius De Loyola Lawaan 1
Talisay
6045

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Hoops Hub posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category