09/05/2020
Magandang gabi sa lahat ng mga ka-baller natin. Dahil sa kasalukuyang pangyayari na nagaganap sa buong bansa at ganun na din sa buong mundo, ang pandemya ng COVID-19, ay maraming naapektuhang mga ganap sa ating mga buhay lalong lalo na ang paglalaro ng basketball. Nauunawaan ko na nakararami sa'tin ang larong laro na subalit dahil sa umiiral na ECQ e hindi natin ito magawa. Humihingi ako ng pagunawa niyo na kung sakaling hindi na natin ituloy ang paliga ay lubos niyong maintindihan kung bakit tayo hahantong sa ganung desisyon. Kung sakali mang matapos ang ECQ sa buong NCR ay iiral naman ang GCQ. Sa guidelines na inalabas ng ating gobyerno partikular na ang IATF, ay ipinagbabawal pa din ang kahit anung pagtitipon o aktibidadis na kung saan ay maapektuhan ang ating paliga. Hindi tukoy kung kailan matatapos ang ang GCQ pero sa nakikita ko e magtatagal pa din dahil sa mga datus na nakikita natin patungkol sa COVID-19. Naglabas din ng statement ang PSC na ititigil ang lahat ng sports activity sa buong bansa, mapa-amateur or professional man. Dahil jan, malabo na tayong masuportahan ng ating city government pagdating sa referee at anu pang pangangailangan.
Ako po, bilang head ng paliga ay humihingi ng inyong pag-unawa kung sakaling hindi na natin ituloy ito. Nawa'y maunawaan niyo po, dahil ang iniisip lang namin ay ang inyong kalusugan at kapakanan.
Maraming salamat po...mga ka-baller