29/04/2024
SAN JOSE, BATANGAS
LIST OF SYMBOLS OF OFFICIAL SEAL
Kulay P**a, Bughaw, Puti, at Dilaw: Halaw sa mga kulay ng pambasang watawat ng Pilipinas, ang puti, bughaw, p**a, at dilaw ay sumasagisag sa makabayang pagmamahal ng mga taga-San Jose.
(Colors of the Flag: The colors of the Philippine flag were adapted to express the pride and nationalism of San Joseños)
Araw: Ito ang kumakatawan sa pag-asa, demokrasya, at kalayaang tinatamasa ng mamamayan.
(Sun: The sun symbolizes the people’s hope, democracy, and freedom.)
Ang Bundok at Ilog: Ang bundok at ilog ay sumasagisag sa dalawa sa mga kilalang tampok ng munisipalidad: Bigain Hill- bilang pinakamataas na taluktok at Ilog ng Malaking Tubig, na humahati sa bahagi ng pinanirahan ng unang pamayanan sa bayan ng San Jose.
(The Mountain and River: The mountain and the river symbolize two of the municipality’s prominent features: Bigain Hill- being the highest elevation, and Malaking Tubig River, the body of water that cuts through the portion of the early settlement in the municipality.)
Itlog – Ang sampung itlog ay kumakatawan sa sampung urban barangays ng bayan. Ito rin ang nagsisilbing simbolo ng kaunlaran at sumasalamin sa katayuan ng munisipalidad sa industriya ng manok at itlog. Ito ang kumakatawan sa isa sa mga pangunahing industriyang nagpapatakbo sa ekonomiya ng San Jose, na siyang kinikilala bilang “Egg Basket of the Philippines.”
(Egg: The ten eggs represent the ten urban barangays of the municipality. It also represents development and progress and shows the municipality's stature in the egg and poultry industries. This is the principal industry that underpins San Jose's economy, which has been dubbed the "Egg Basket of the Philippines.")
Manok – Ang manok ay sumasagisag sa pagsusumikap, tiyaga, at kasipagan; na nagpapahiwatig sa pag-asa ng tagumpay at ang dedikasyon ay makahulugan sa produksyon. Katulad ng itlog, ang manok ay simbolo rin ng paglago at pag-unlad.
(Chicken – It is a symbol of hard work, perseverance, and diligence; signifying the hopes of success and the idea that dedication is essential to production. The chicken, like the egg, is a symbol of growth and progress.)
Kalasag: Nagmula sa sagisag ng Lalawigan ng Batangas kung saan matatagpuan ang bayan ng San Jose; ito rin ay sumasagisag sa panatag na pamumuhay ng mga mamamayan sa nasabing bayan.
(Shield: Derived from the seal of the Province of Batangas where the municipality is located; it also symbolizes the security of life in the municipality.)
Kakaw: Ang puno ng kakaw ay may mahalagang papel sa pagpapalitan ng kultura at kalakalan. Noong ika-17 siglo unang itinanim ng mga Espanyol sa Pilipinas ang binhi ng kakaw. At ang pinakamatandang puno nito ay matatagpuan sa San Jose, Batangas. Simula noon, tuloy-tuloy na ang pag-unlad ng industriya ng kakaw sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
(Cacao: The cacao tree has played an important role in cultural exchange and trade. Cacao has been grown in the Philippines since the 17th century, when Spaniards planted the crop in San Jose, Batangas. Since then, cacao cultivation has developed in several parts of the country.)
Lansones – Ang lansones ay nagsisilbing simbolo ng kasaganaan.
(Lansones – This symbolizes prosperity and abundance.)
Dahon ng Laurel – Ang dahon ng laurel ay sumasagisag sa kaalaman at karunungan. Ito rin ay pagkilala sa mga natatanging mamamayan ng San Jose na nagpamalas ng galing at talino sa kani-kaniyang larangan.
(Laurel leaf – Laurel leaf represents wisdom, knowledge, and boundless learning; it honors San Jose’s outstanding citizens who have demonstrated skill and talent in their various disciplines.)
Paminta – Ang paminta ay sumasagisag sa katatagan at pagbubuklod ng bayan. Ito rin ay sumisimbolo sa kahandaan sa anumang uri ng sakuna ng lokal na pamahalaan kaisa ang mga mamamayan ng bayan ng San Jose.
(Peppercorn – This represents the people’s resilience and solidarity. It also represents the preparedness of the local government and its citizens.)
1766 – Taon ng pagkilala sa bayan ng San Jose bilang isang pueblo.
(1766- Speak for the year when San Jose was founded as pueblo.)
Nakasulat pabilog at nakapalibot ang mga salitang “Bayan ng San Jose” sa itaas at “Batangas” sa ibaba. Nakasulat din sa kulay luntian at dilaw ang mga nasabing salita na opisyal na kulay ng bayan ng San Jose
(The surrounding ring text reads “Bayan ng San Jose” and “Batangas”. These words are also written in font color green and yellow which represent the official color of the Municipality of San Jose.)