23/02/2026
Kwentong San Joseño: Dulong Bayan
Isa ang Dulong Bayan sa 9 na orihinal na mga Barrio ng San Jose del Monte. Ito ay unang tinawag na Sitio Kariapay, na bahagi ng noo'y baryo pa lamang na San Jose del Monte na parte ng Bayan ng Meycauayan. Ang salitang Kariapay ay isang katutubong sayaw, ito ay pinangalan sa lugar sapagkat sa lugar na ito sikat ang naturang sayaw.
Ang lugar na Kariapay ay kilalang malawak na lugar upang magtanim ng palay, mani at mais, kabilang sa ikinabubuhay ng mga naninirahan sa Dulong Bayan ay pag-aalaga ng mga hayop tulad ng manok, baboy at bibe. Ang Kariapay ay mayroon lamang labing limang kabahayan noong panahon ng mga Amerikano.
Noong 1957 nagkaroon ng pagkakaisa ukol sa pagpapalit ng pangalan ng Kariapay upang ito ay gawing Dulong Bayan sapagkat ito ang dulong bahagi ng San Jose del Monte noong panahong iyon. Ang Dulong Bayan ay may kabuuang 975 hectares ang buong barangay, 342.96 hectares rito ay Residential Land, 114.60 hectares ang Commercial Land, at 116.40 hectares ang Agricultural Land. Ito ay binubuo ng 7 pook ito ay ang Talisay, Gugo, Kay Duman, Himpot, Kay Salop, Linawan at Concordia.
Ang Dulong Bayan ay nagdiriwang ng kanilang Piyesta tuwing ika-10 ng Mayo kada 4 na taon bilang pagbubugay sa Piyesta ng Sto. Cristo
CTTO