17/04/2026
Ika-16 ng Abril, 2026
Bilang paghahanda sa nalalapit na pagdiriwang ng Tanglawan Festival 2026, dumalo ang Tanggapan ng Turismo sa pangunguna ni G. Roberto P. Ramirez Jr., Pinuno ng Tanggapan kasama ang Cultural Tourism Unit sa isinagawang pulong ng Liga ng mga Barangay sa pamumuno ni ABC President, IGG. Zosimo B. Lorenzo. Ang nasabing pagpupulong ay ginanap sa Gumamela Hall, City Convention Center.
Tinalakay sa pulong ang mga pinahusay na Guidelines and Mechanics ng Arya-Aryahan Dance Parade and Cultural Dance Competition bilang bahagi ng Tanglawan Festival 2026.
Ating abangan ang mga susunod pang anunsyo at aktibidad para sa isang mas makulay at masiglang pagdiriwang!