Calaguiman Senakulo 1947

Calaguiman Senakulo 1947 Taong 1947 nang isulat ng pamilyang Bantay, Navarro at De Guzman ang iskrip ng Senakulo sa Calaguiman.

Sa paglipas ng panahon ay nagpasalin salin na ito sa kanilang pamilya sa iba't ibang henerasyon at naging panata na kada taon. Sa pagdaan ng mga taon ay mas lalong naging kilala ang pagsasadula hindi lamang dahil sa tungkol ito sa pag alaala kay Kristo kung hindi dahil na rin sa natatanging galing ng mga gumaganap at makatotohanang pagsasabuhay nila. Simula sa umpisa ng drama hanggang sa huling ta

gpo ay talaga namang kinapapanabikan ng mga manonood. Sa ngayon ay patuloy na binubuhay ang nakasanayang panata at dahil ito sa galing ng isang taong patuloy na nagpapalaganap ng kwento ng paghihirap ni Kristo sa pamamagitan ng pagsasadula nito at ito ay walang iba kung hindi si Ginoong Andy(Pogi) De Guzman, ang tao na ngayon ay nasa likod ng inaabangang at makabaghang damdaming Senakulo ng Calaguiman tuwing Semana Santa. Dahil sa pagiging relihiyoso ng mga mamamayan ng Calaguiman kaya't patuloy na nasasagawa ang ganitong tradisyon. Dinarayo rin ito ng mga tao mula sa iba't ibang bansa para masaksihan ang makatotohanang pagtatalambuhay ng mga tagaganap. Dahil dito kinilala ang Senakulo ng Calaguiman sa loob at labas ng bansa. - President And (Pogi) de Guzman

09/04/2026
05/04/2026
04/04/2026
23/11/2025
16/11/2025
09/11/2025

π—”π—‘π—š π—›π—œπ— π—”π—Ÿπ—” π—‘π—œ 𝗦𝗔𝗑 π—©π—œπ—–π—˜π—‘π—§π—˜ π—™π—˜π—₯π—₯π—˜π—₯ 𝗔𝗧 π—”π—‘π—š π— π—”π—Ÿπ—”π—žπ—”π—¦ 𝗑𝗔 π—•π—”π—šπ—¬π—’

Si San Vicente Ferrer ay minsang nagpahinto ng isang malakas na bagyo gamit ang Banal na Tubig! Habang nasa lungsod ng Barbastro sa Catalonia, katatapos lang ni San Vicente magmisa nang biglang bumuhos ang isang napakalakas na ulan na dulot ng isang bagyo.

Napuno ng takot ang mga tao dahil sa tindi ng unos at pinsalang nagbabadya sa bayan. Lumabas si San Vicente mula sa simbahan, nag-antanda ng Krus gamit ang Banal na Tubig, at walang ano-ano ay agad huminto ang bagyo at naging kalmado ang langit.

Nagbigay ng payo si San Vicente sa mga tao na magpasalamat sa mga banal na Apostol, dahil sa kanilang pamamagitan, natigil ang bagyo.

Tinuruan ni San Vicente ang mga tao noon sa palagiang paggamit ng Banal na Tubig at pagtawag sa Banal na pangalan ni Hesus. Kadalasan niyang pinapayuhan ang mga magsasaka na iwisik ang Banal na Tubig sa kanilang mga pananim upang maprotektahan laban sa peste o masamang panahon.

"𝐻𝑖𝑛𝑑𝑖 π‘›π‘–π‘›π‘¦π‘œ π‘›π‘Žπ‘šπ‘Žπ‘šπ‘Žπ‘™π‘Žπ‘¦π‘Žπ‘› π‘˜π‘’π‘›π‘” π‘”π‘Žπ‘Žπ‘›π‘œ π‘˜π‘Žπ‘π‘Žπ‘›π‘”π‘¦π‘Žπ‘Ÿπ‘–β„Žπ‘Žπ‘› π‘Žπ‘›π‘” π‘–π‘π‘–π‘›π‘–π‘π‘–π‘”π‘Žπ‘¦ 𝑛𝑔 π‘†π‘–π‘šπ‘π‘Žβ„Žπ‘Žπ‘› π‘ π‘Ž π‘–π‘›π‘¦π‘œ; π‘”π‘Žπ‘šπ‘–π‘‘π‘–π‘› π‘›π‘–π‘›π‘¦π‘œ π‘Žπ‘›π‘” π΅π‘Žπ‘›π‘Žπ‘™ π‘›π‘Ž 𝑇𝑒𝑏𝑖𝑔 π‘›π‘Žπ‘›π‘” π‘šπ‘Žπ‘¦ π‘π‘Žπ‘›π‘Žπ‘›π‘Žπ‘šπ‘π‘Žπ‘™π‘Žπ‘‘π‘Žπ‘¦π‘Ž, π‘Žπ‘‘ π‘Žπ‘›π‘” π‘–π‘›π‘¦π‘œπ‘›π‘” π‘™π‘’π‘π‘Ž π‘Žπ‘¦ π‘™π‘–π‘”π‘‘π‘Žπ‘ ," wika ni San Vicente.

San Vicente Ferrer, ipanalangin mo kami!

Mga pinagkunan β€œSt. Vincent Ferrer, of the Order of Preachers” by Fr. Pradel, 1875, β€œSaint Vincent Ferrer” by Fr. Hogan, 1911 and β€œAngel of the Judgement” by S.M.C. 1954

Courtesy: Diocesan Shrine of San Vicente Ferrer - Mamatid



Address

Calaguiman
Samal
2113

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Calaguiman Senakulo 1947 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category