Barangay Anti-Drug Abuse Council-Barangay San Jose

Barangay Anti-Drug Abuse Council-Barangay San Jose Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Anti-Drug Abuse Council-Barangay San Jose, Event, Ipil Street Barangay San Jose, Rodriguez.

12/04/2026
Maligayang Kaarawan po Kap. Glenn Evangelista πŸŽ‰πŸŽ‰πŸŽ‰
04/04/2026

Maligayang Kaarawan po Kap. Glenn Evangelista πŸŽ‰πŸŽ‰πŸŽ‰

Maligayang Kaarawan po sa ating Mahal na Punong Barangay - Kap. Glenn S. Evangelista
Pagbati mula sa Sangguniang Barangay at Pamahalaang Barangay.
Pagpalain po kayo ng Diyos!

18/03/2026

TATLONG SUSPEK ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA BRGY. BURGOS

Naaresto ng Municipal Drug Enforcement Team ng Rodriguez Municipal Police Station, katuwang ang Rodriguez Task Force Anti-Criminality (TFAC), ang tatlong suspek sa isinagawang surveillance at buy-bust operation noong Marso 13, 2026 sa Madrigal Compound, Brgy. Burgos sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nakumpiska mula sa kanila ang siyam (9) na heat- sealed transparent plastic sachets na hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang bigat na humigit kumulang 21 gramo na may tinatayang halaga na Php 142,800.00, kasama ang buy-bust money, karagdagang pera na nagkakahalaga ng Php 300.00 isang Cal. 38 revolver na may tatlong live ammunation at isang sling bag.

Patuloy naman ang paalala ng Pamahalaang Bayang ng Montalban, mula sa direktiba ni Mayor General Ronnie S. Evangelista (Ret.) na makiisa sa kampanya laban sa iligal na droga at agad i-ulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa Montalban Hotline 911.


12/03/2026
25 NA-APPREHEND SA ANTI-CRIMINALITY OPERATION SA BRGY. SAN JOSE Sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng Montalban at sa di...
21/02/2026

25 NA-APPREHEND SA ANTI-CRIMINALITY OPERATION SA BRGY. SAN JOSE

Sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng Montalban at sa direktiba ni Mayor General Ronnie S. Evangelista (Ret.), nagsagawa ng anti-criminality operation ang Philippine National Police (PNP) at Rodriguez Task Force Anti-Criminality (TFAC) noong Pebrero 20–21 sa Kasiglahan Village Sub-Urban, Brgy. San Jose.

Dalawampu’t lima (25) ang na-apprehend, kabilang ang pitong (7) menor de edad, dahil sa paglabag sa lokal na ordinansa tulad ng pag-inom ng alak sa kalsada at pagtambay nang walang damit pang-itaas. Nahuli rin ang isang Yamaha NMAX matapos mapatunayang menor de edad ang drayber, walang helmet at lisensya. Ang mga nahuli ay itinurn-over sa Area 1 at Area 5 ng Brgy. San Jose, habang nakipag-ugnayan ang mga operatiba sa Municipal Traffic Management and Development Office (MTMDO) para sa beripikasyon, violation ticket, at impounding.

Kaugnay nito, patuloy na hinihikayat ang publiko na mag-report ng kahina-hinalang aktibidad sa Montalban Hotline 911.


Nagsagawa ng Dissemination of Information, Education, and Communication Materials ang Barangay Anti-Drug Abuse Council s...
19/02/2026

Nagsagawa ng Dissemination of Information, Education, and Communication Materials ang Barangay Anti-Drug Abuse Council sa pangunguna ni Kap. Glenn Evangelista katuwang ang Philippine National Police, Municipal Anti-Drug Abuse Unit at Task Force Anti-Criminality.

Layunin ng aktibidad na ito ang patuloy na pagpapalaganap ng impormasyon patungkol sa epekto ng illegal na droga, pagpapalaganap ng mga numerong maaaring tawagan o i-text ng mamamayan kung may nais silang isumbong, at iba't-ibang programang isinasagawa ng BADAC.

Ang aktibidad na ito ay isinagawa ika-18 at ika-19 ng Pebrero 2026 sa Barangay San Jose.

TULOY-TULOY NA PAGPAPAIGTING NG OPERASYON LABAN SA ILLEGAL DRAG RACING, OPEN PIPE, CARNAPPING, AT IBA PANG PAGLABAG SA B...
31/01/2026

TULOY-TULOY NA PAGPAPAIGTING NG OPERASYON LABAN SA ILLEGAL DRAG RACING, OPEN PIPE, CARNAPPING, AT IBA PANG PAGLABAG SA BATAS-TRAPIKO SA BAYAN NG MONTALBAN

Ngayong gabi, Enero 31, 2026 (Sabado), patuloy na isinagawa ang joint operation ng PNP Highway Patrol Group, Rodriguez MPS Force Multipliers, Rodriguez Task Force Anti-Criminality (TFAC), at Municipal Traffic Management and Development Office (MTMDO) sa dalawang pangunahing lugar: San Jose Highway at Kasiglahan (Shortcut), Brgy. San Jose. Bahagi ito ng pinaigting na kampanya ng Pamahalaang Lokal, sa direktiba ni Mayor General Ronnie S. Evangelista (Ret.), laban sa illegal drag racing, open pipe, carnapping, hindi pagsusuot ng helmet, at iba pang paglabag sa batas-trapiko.

Sa operasyon, 16 motorsiklo at 2 kotse ang na-impound, at 22 motorista ang natiketan dahil sa iba’t ibang paglabag. Patunay ito ng tuloy-tuloy na pagbabantay at pagpapatupad ng batas sa lansangan.

Para sa agarang pagresponde sa mga paglabag o insidente at emergency, tumawag lang sa Montalban Hotline 911.

31/01/2026

INDIBIDWAL ARESTADO SA SURVEILLANCE OPERATION SA BRGY. ROSARIO

Isang indibidwal ang naaresto ng Municipal Drug Enforcement Team ng Rodriguez Municipal Police Station sa isinagawang surveillance operation sa Brgy. Rosario, Montalban bandang alas-2:35 ng madaling araw noong Enero 24, 2026, sa koordinasyon ng PDEA, TFAC, at MADAU.

Nasamsam sa operasyon ang humigit-kumulang 5.43 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halagang β‚±36,924, kasama ang iba pang ebidensiya. Ang suspek ay isinailalim din sa kinakailangang medikal at forensic examination.

Patuloy na pinaiigting na ng Pamahalaang Lokal ng Montalban, sa pamumuno ni Mayor Gen. Ronnie S. Evangelista (Ret.), katuwang ang kapulisan at mga ahensiya ng pamahalaan, ang kampanya laban sa iligal na droga para sa isang ligtas at maayos na komunidad.

Huwag matakot. Maging mapagmatyag. Mag-report.

πŸ“ž TFAC: 8370-3333
πŸ“ž PNP Rodriguez: 0998-598-5727



Address

Ipil Street Barangay San Jose
Rodriguez
1860

Telephone

+639079390706

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Anti-Drug Abuse Council-Barangay San Jose posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Barangay Anti-Drug Abuse Council-Barangay San Jose:

Share

Category