17/05/2025
Congratulations!
Senator Bam Aquino &
Senator Kiko Pangilinan
ABCD by QYA
Fellows
Malugod na binabati ng TAYO Awards Foundation ang dalawa sa ating Co-Founders na sina Senator Bam Aquino at Senator Kiko Pangilinan sa kanilang pagkapanalo sa 2025 National Election!
Ang panalong ito ay hindi lamang panalo nila, ngunit panalo rin ng ating bayan, lalo na ng kabataang Pilipino. Ito ay isang tanda na hindi nawawala ang ating pag-asa, paniniwala, at pagkakaisa para sa ikabubuti at ikauunlad ng bawat mamamayang Pilipino. Kagaya nga ng mensahe ni Senator Bam Aquino noong TAYO 20 National Awarding, "Pinatunayan na natin, at patuloy pa nating papatunayan, na tanging sa paniniwala, pagsisikap, at pagmamahal natin kayang i-angat ang isa’t isa.”
Muli, pagbati Senator Bam at Senator Kiko! Salamat po sa inyong walang sawang suporta sa kabataang Pilipino. Nawa'y patuloy po ninyong paglingkuran ang ating bayan ❤️