01/06/2026
BRIGADA ESKWELA ๐๐ธ๐๐ฅ
Nakiisa ang Sports Development Officer at mga sports leaders ng General Luna sa isinagawang Brigada Eskwela sa General Luna Central Elementary School at General Luna Integrated National High School, kasama ang masipag at maaasahang Konsehal ng Bayan, Konsehal Mark Sangalang at ang iba't ibang sports groups tulad ng General Luna Ballers sa pangunguna ni SK PL Salvo, General Luna Raquetters sa pangunguna ni Fiel Villanueva, General Luna Pickleball Club sa pangunguna ni Joseph Briรฑas at General Luna Volleyball Club sa pangunguna ni Lorence Patiag.
Isang malaking karangalan para sa amin na makapagbahagi ng oras, lakas, at serbisyo bilang pagbibigay-pugay at pasasalamat sa aming komunidad, lalo na sa mga paaralan na may mahalagang papel sa paghubog ng kinabukasan ng ating kabataan. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at bayanihan, naipapakita natin ang tunay na diwa ng pagkakaisa at malasakit para sa mas maayos at mas ligtas na kapaligiran sa pag-aaral.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong. Mabuhay ang diwa ng Brigada Eskwela at ang pagkakaisa ng komunidad ng General Luna!