17/11/2023
ARAL MUNA BAGO BISIKLETA
Akda ni : “Tatay Padz”
“Bikertek”
Porte Zosimo
Isang lingo na ang nakakaraan simula ng huling ensayo ng Tropang itik. May mga bagong members na sumama at makisaya . Maingay, magulo, hiyawan, kantyawan pero walang nagmumura. Limang bagong myembro ang sumama sap ag eensayo at isa dito ay isang 15 yo na batang taga Pasig, masipag mag ensayo at makikita mo kung paano makihalubilo sa mga ka team nya .
28 lahat silang sumama sa ensayo sa Montalban noong nakaraang Sabado at mapapansin ang liksi at desposisyon ng bata. Natapos ang ensayo at nagsi uwian na, Sa aming GC nag kwentuhan mga members ng tungkol sa long ride . At nabasahan ko na nag yayaa na mag mabitac yyung batang taga Pasig. Kaya nagtanong ako sa kanya,. Kung wala syang pasok sa school . doon na nagsimula ang palitan ng pag uusap hanggang nag padala ng mesahe sa akin at doon nya kinwento na di siya nakapag enroll ngayong pasukan.
Masalimoot at maikli mag kwento ang bata at sabi nya nasa Grade 9 na sya , kaya inisp ko na ngayon pasukan ay Grade 10 na dapat. Pinangarala ko siya kung gaan kaimportante ang pag aaral sa mga bata lalo na libre naman ito, pero bakit di sya pumasok.
Naikwento nya na hiwalay na ang mga magulang niya at nakatira sya sa kanyang Lola. May kanya kanya ng mga pamilya ang nanay ata Tatay nya at di siya na asikaso na mag enroll noong pasukan . Sabi niya sa nanay side may mga kapatid na sya nab ago ats a tatay Side may mga kapatid na rin siya. Bilang panganay para inendorso na lang siya sa Lola nya sa Father’s side at bahala ka na sa buhay mo.
Sinabi ko sa kanya na hindi hadlang ang kawalan ng pag aasikaso upang makap aral,lalo na sa sitwasyonnya na walang tumatayong magulang para sa kanya upang mag asikaso ng pag aaral niya. Wag niya sayangin ang oras na wala siya sa paaralan at mag bubukas ito ng pagkakataon na mabarkada sa mga out of school youth at malululong sa masamang bisyo
Ang pangunahing dahilan nya kaya di sya nakapag enroll ay wala siyang Guardian na sasama sa kanya sa school. Sa aming pag uusap, nakita ko yung kagustuhan nya na mag aral. Sa disposiyon makikita mo na may kakayahan at may angking talino, pero dahil sa walang gumagabay napapabayaan ang kanyang pag aaral at mabababa ang kanyang grado .
Kinabukasan nagulat ako ng mag padala siya ng mensahe at nagpahiwatig na gusto nya mag aral at nag tanong tanong siya sa mga kaibigan nya kung saang school na pwede pa siya mag enroll, dahil sa murang isip di niya alam ang kanyang gaagwin at nagkiusap kung pwede ko samahan sa Ugong National HS . Sa medaling salita nagkita kami sa school at kinausap ko ang School coordinator or head teacher kung pwede pa sya tangapin kahit tapos na ang unag quarter ng graduhan. Hindi makapag disisyon ang Head Teacher at sinabing kailangan kausapin ang Principal para ma desisyunan ang pakiusap ko. Pinabalik kami ng maaga upang makausap ang Principal.
KInabukasan nakausap ko ang Principal at pinaliawanag ko ang mga consiquences na pwedeng mangyari sa bata na wala sa paaralan. At sa kanyang pakikinig nag desisyon sya na tangapin ang bata as probationary student, kailangan mahabol nya ang grado na kailangan upang pumasa at maka cope up sa grading na pang kalahatan. Pinabalik sya kinaumagahan upang magsimula Ngayon ang bata ay nasa school na at nagsimula na pumasok.
Mga problemang dala ng paghihiwalay ng magulang sa kadahilanang maagang nag sipag asawa, at pagkalipas ng dalawa o tatlong taon ng pagsasama , maghihiwalay at iiwan ang kanilang anak sa lola. Isa lang ito sa mga kwento ng mga myembro ng aming koponan saTYCN Cycling Academy na mas kilala sa pangalang Tropang Itik na kung saan ang mga myembro ay may edad na 10 to 20 yo.
Marami sa kanilang may mga problema sa pamilya at nakaktuwa na keysa sa malululong sa masamang bisyo, sa pag bibiskleta nila ibinubuhos ang frustration nila sa kawalan ng presensya ng mga magulang.
Ilan sa kanila ay may ibat ibang kwento na kung susumahin mo, at titingnan mo sa tamang assessment may pagsas silang mamuhay at tumayo mag isa, ang kailangan lang nia ay may gumagabay at nagpapapkita ng pagmamahal ng isang magulang……
Aral muna bago bisikleta isang panuntunan na pinapalaganap ko sa mga kabataan nab ago sumakay sa bisikleta ay sakyan mua ang mga libro at gawaing eskwela ……
See less