07/12/2025
hindi ako naging magaling ngayong taon. wala akong achievement na maipapagmalaki. walang bagong balita na maririnig sa akin. hindi ako kuminang at napansin. tahimik lang akong nagpatuloy, sumubok, at piniling huwag maduwag.
araw-araw akong bumabangon kahit pagod na, kahit wala na akong maibubuga. kahit pinangungunahan ako madalas ng pagdududa. kahit madalas โdi ako makasabay sa bilis ng ibaโumusad ako. paunti-unti, nang may kasamang iyak minsan.
at marahil, ngayong taon, ito na ang tanging panalo na meron ako: na sa kabila ng lahat, nandito pa rin ako.