18/06/2026
TINGNAN|| PNP GOOD DEEDS
Police Presence at Traffic Assistance sa OPLAN Balik-Eskwela 2026
MANSALAY ORIENTTTAL MINDORO-Bilang bahagi ng pagpapatupad ng OPLAN Balik-Eskwela 2026, ang mga tauhan ng Mansalay Municipal Police Station (MPS) katuwang ang mga Tanod ng Barangay ay nagsagawa ng police presence at traffic assistance sa mga paaralan sa bayan ng Mansalay. Ang layunin ng aktibidad ay matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral, g**o, magulang, at iba pang kawani ng paaralan sa unang araw ng pagbubukas ng klase.
Nagtalaga ng mga pulis sa mga pangunahing tawiran at mataong lugar malapit sa mga paaralan upang gabayan ang mga mag-aaral sa ligtas na pagtawid sa kalsada, magbigay ng kaukulang tulong sa daloy ng trapiko, at mapanatili ang kaayusan sa paligid ng mga paaralan. Ang kanilang presensya ay nagbigay ng kapanatagan at seguridad sa komunidad habang nagsisimula ang panibagong taon ng pag-aaral.
Patuloy na isinusulong ng Mansalay MPS ang kanilang mandato na maghatid ng maagap at maaasahang serbisyo publiko sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga paaralan, lokal na pamahalaan, at mga mamamayan para sa isang ligtas at maayos na kapaligiran para sa lahat.
βBagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.β