11/02/2026
Ayon kay ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio, dalawang linggo bago bigkasin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang linyang βMahiya naman kayo!β sa kanyang 2025 State of the Nation Address, tumanggap umano ang Pangulo ng humigit-kumulang walong bilyong pisong kickback mula sa sinasabing maanomalyang flood control projects.
Dagdag pa ni Tinio, nakalap umano nila ang mga palitan ng mensahe sa pagitan ng dating Presidential Legislative Liaison Officer na si Adrian Bersamin at ni Pangulong Marcos Jr., na nagsilbing bahagi sana ng mga ebidensiyang inihain bilang suporta sa impeachment complaint laban sa Pangulo, ngunit kalaunan ay agad na ibinasura ng kanyang mga kaalyado sa House of Representatives.
Ayon pa sa mambabatas, bahagi umano ng naturang kickback ang inilaan upang suportahan ang kandidatura ng mga kaalyado ng administrasyon sa 2025 midterm elections.
References:
https://www.facebook.com/share/1JgH4afMpz/?mibextid=wwXlfr
https://www.rappler.com/philippines/lawmakers-claim-messages-show-marcos-jr-knowledge-flood-control-kickbacks/
https://newsinfo.inquirer.net/2180355/tinio-erice-claim-seeing-comms-proving-mr-marcos-knew-insertions-kickbacks/