DepEd Tayo Gagalot-Taytay ES Annex - Laguna Province

DepEd Tayo Gagalot-Taytay ES Annex - Laguna Province GTES-Annex Programs, Projects and Accomplishments.

part II
30/03/2026

part II

3-30-2026Ika -17 Taunang Pagtatapos,Paglilipat-Antas at Pagkilala 2026 Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging ...
30/03/2026

3-30-2026
Ika -17 Taunang Pagtatapos,Paglilipat-Antas at Pagkilala 2026


Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagdaraos ng ating Graduation, Moving-Up at Recognition Ceremony.

Lubos naming pinahahalagahan ang suporta at paggabay nina PSDS ,Dr. Ginalyn Freo at Ma'mAna R. Reblora sa pagpapatibay ng ating pagtatapos at paglipat-antas ng ating mga mag-aaral.

Maraming salamat din sa ating mga panauhing pandangal na sina Hon. Bryan Y. Tubino at Hom. Dandred O. Eriga na nagbigay inspirasyon sa ating mga nagsipagtapos.

Taos-pusong pasasalamat kay Mayor Romeo Amorado sa pagbibigay gantimpala sa ating mga mag-aaral na nagkamit ng una at ikalawang karangalan—isang pagkilala sa kanilang sipag at dedikasyon.

Bilang pagkilala sa mahalagang papel ng pamilya, ginawaran din ng parangal ang mga magulang na matagumpay na napag-aral ang kanilang mga anak mula Kindergarten hanggang Grade 6—isang patunay ng kanilang pagmamahal, sakripisyo, at walang sawang suporta.

Lubos din naming ikinararangal ang pagdalo nina Kapitan Gerry Arcenal Mirano at Kagawad Ciriaca Shierly Esquillo na patuloy na sumusuporta sa mga programa ng paaralan.

Nagbigay-pugay rin ang paaralan sa ating masisipag na SPTA Officers at sa ating mga g**ong walang sawang naglilingkod, bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at mahalagang ambag sa paghubog ng kabataan.

To our dear graduates, this milestone is just the beginning. Dalhin ninyo ang mga aral at pagpapahalaga na inyong natutunan sa mas mataas na antas ng inyong paglalakbay.

Muli, maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng araw na ito. Sama-sama nating ipinagdiwang ang tagumpay ng bawat batang Pilipino.


LOOK: 👀 On February 27,2026  Gagalot Taytay Elementary School - Annex conducted Career Guidance Program. Kindergarten to...
05/03/2026

LOOK: 👀
On February 27,2026 Gagalot Taytay Elementary School - Annex conducted Career Guidance Program. Kindergarten to Grade 6 learners proudly showcased their “future uniforms” as part of the school’s integration of the Career Guidance Development Program into classroom lessons.

This meaningful activity not only sparked excitement and creativity but also encouraged our young learners to dream big and work hard toward their goals.👨‍⚕️👩‍⚕️🧑‍🏫👮‍♀️🧑‍🎨🧑‍🍳👩‍🚀👩‍🔧👨‍🚒👮‍♂️🪖

Happy National Women’s Month ✨💜Sa paaralang nagmamalasakit, kinikilala at pinahahalagahan ang mahalagang papel ng KABABA...
04/03/2026

Happy National Women’s Month ✨💜

Sa paaralang nagmamalasakit, kinikilala at pinahahalagahan ang mahalagang papel ng KABABAIHAN sa paghubog ng kinabukasan 👩🏻‍🏫💜



📢 SELG Election 2026–2027 Successfully ConductedGagalot-Taytay Elementary School Annex proudly conducted the School Elem...
14/02/2026

📢 SELG Election 2026–2027 Successfully Conducted

Gagalot-Taytay Elementary School Annex proudly conducted the School Elementary Learner Government (SELG) Election for S.Y. 2026–2027. From the filing of candidacy to the oath-taking ceremony, the activity was carried out in an organized and transparent manner.

Congratulations to all candidates and to our newly elected SELG Officers. May you lead with integrity, responsibility, and dedication in serving our fellow learners.


14/02/2026

To our Dear School Head,

Happy Birthday! Thank you for your excellent leadership, guidance, and genuine care for our school. May you be blessed with many more years of good health, happiness, and continued success.

We are truly grateful for the inspiration you give us every day.

Isang makulay at masayang pagdirwang ang isinagawa para sa Araw ng mga Puso kasama ang mga magulang, mga mag-aaral at mg...
14/02/2026

Isang makulay at masayang pagdirwang ang isinagawa para sa Araw ng mga Puso kasama ang mga magulang, mga mag-aaral at mga g**o ng Gagalot-Taytay Elementary School Annex.

Nagbigay tayo ng pagkilala sa mga magulang na patuloy na sumusuporta sa ating paaralan. Maraming salamat po sa inyong tiwala at pagmamahal.

Tampok din ang mga presentasyon ng ating mga mag-aaral, kabilang ang kanilang espesyal na sayaw at binigyan din ng pagkilala ang ilang mag-aaral sa pagpresenta ng kanilang mga sarili.

Ang selebrasyong ito ay hindi lamang tungkol sa pagbibigay ng regalo, kundi sa pagpapakita ng pagkakaisa, malasakit, at pagmamahal sa isa’t isa bilang isang komunidad.

💖 Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maging matagumpay ang ating programa.

‼️‼️‼️ ANNOUNCEMENT ‼️‼️‼️📢📢📌Cut-off Age para sa Kindergarten ayon sa DepEd Order No. 015, s. 2025📋Panimula: Ano ang Dep...
30/01/2026

‼️‼️‼️ ANNOUNCEMENT ‼️‼️‼️📢📢
📌Cut-off Age para sa Kindergarten ayon sa DepEd Order No. 015, s. 2025
📋Panimula: Ano ang DepEd Order No. 015, s. 2025?
Bilang tugon sa mga magulang, g**o, at punong g**o na may mga tanong ukol sa tamang edad ng mga papasok sa Kindergarten, inilabas ng Department of Education ang bagong patakaran na nagbibigay linaw at tuntunin sa dalawang provision upang mas mapadali ang pagpasok ng mga bata sa paaralan na may birthday mula Nobyembre 1 hanggang Disyembre 31.
✅ 1. Ano ang bagong cut-off age para sa Kindergarten?
Ang bata ay dapat limang (5) taong gulang sa o bago ang Oktubre 31 ng school year upang matanggap sa Kindergarten.
🗓️ 2. Paano kung ang birthday ng bata ay mula Nobyembre 1 hanggang Disyembre 31?
Maaaring tanggapin kung matutugunan ang alinman sa dalawang provision sa ibaba:
🧾 3. Ano ang Provision 1?
📌 Nakatapos ang bata ng isang (1) school year ng Early Childhood Care and Development (ECCD) program mula sa:
Pampubliko o pribadong Child Development Centers (CDCs)
Learning Centers na may permit o recognition
📄 Kailangang ipasa:
Certificate of Completion o Certificate of Attendance mula sa naturang center.
📋 4. Ano ang Provision 2?
📌 Ang bata ay kailangang sumailalim sa Philippine Early Childhood Development (ECD) Checklist assessment na isasagawa ng paaralan.
📅 Kailan ito isinasagawa?
Sa enrollment period (Hunyo 9-13) hanggang sa unang linggo ng klase
👩‍🏫 Sino ang mag-a-assess?
Kindergarten teacher ng paaralan
📂 Para saan ang checklist?
Upang matiyak na handa ang bata para sa Kindergarten
Ang resulta ng assessment ay magiging batayan sa pagtanggap
Ang checklist ay isasama sa opisyal na record ng bata
❌ 5. Puwede bang tanggapin ang bata kahit walang ECCD certificate at hindi na-assess?
Hindi. Kailangang masatisfy ang kahit isa sa dalawang provision kung ang birthday ng bata ay mula Nobyembre 1 hanggang Disyembre 31.
🎯 6. Ano ang layunin ng bagong patakarang ito?
Masig**o ang kahandaan ng bata sa Kindergarten
Panatilihin ang kalidad ng early childhood education
Magkaroon ng mas makatarungan at inklusibong polisiya
Source: DepEd Order 015, s 2025

HALINA AT MAGPATALA NA!!📌EARLY REGISTRATIONBilang paghahanda po sa pagbubukas ng taong panuruan 2026-2027, ang paaralan ...
30/01/2026

HALINA AT MAGPATALA NA!!
📌EARLY REGISTRATION

Bilang paghahanda po sa pagbubukas ng taong panuruan 2026-2027, ang paaralan po ng Gagalot-Taytay Elementary School-Annex ay magsasagawa ng EARLY REGISTRATION mula JANUARY 31 hanggang FEBRUARY 27. Inaanyayahan po namin ang mga magulang o guardian na magtungo sa paaralan ng mga batang magpapatala.

Bukas po ang pagpapatala para sa mga INCOMING KINDERGARTEN, GRADE 1, BALIK-ARAL, at TRANSFEREE.

Huwag pong kalimutan ang mga dokumentong kailangan dalhin.

📌KINDERGARTEN
-Mga batang limang (5) taong gulang bago o hanggang OCTOBER 31, 2026 (DepEd Order No. 47, s. 2016/DepEd Order No. 020, s. 2018)
-Magdala ng photocopy ng PSA/BIRTH CERTIFICATE

📌GRADE 1
-Mga batang magtatapos ng KINDERGARTEN sa SY 2025-2026
-Magdala ng KINDERGARTEN REPORT CARD/ ECD CHECKLIST at photo copy ng BIRTH CERTIFICATE

📌TRANSFEREES
-Mga batang Grade 1-6 nagnanais lumipat sa GTES-ANNEX
-Magdala ng REPORT CARD at photo copy ng BIRTH CERTIFICATE

📌BALIK-ARAL
-Mga batang nagnanais bumalik sa pag-aaral
-Magdala ng REPORT CARD at photo copy ng BIRTH CERTIFICATE

Narito po ang numero na maaari ninyong tawagan para sa inyong mga katanungan.

IVVAHYAEL R. AÑONUEVO-09514230174
Kindergarten Adviser
GLENDA G. MEDINA- 09750890282
Grade 1 Adviser
JEFFRY M. FRESCO- 09061565584
School Head

Maaari rin pong mag-comment o mag-message sa aming FB Page kung may mga katanungan.

Maraming salamat po! 🩵

Address

Brgy. Taytay
Majayjay
4005

Opening Hours

Monday 8am - 12pm
Tuesday 8am - 12pm
Wednesday 8am - 12pm
Thursday 8am - 12pm
Friday 8am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo Gagalot-Taytay ES Annex - Laguna Province posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to DepEd Tayo Gagalot-Taytay ES Annex - Laguna Province:

Share