27/09/2025
Sa temang “Abante Los Baños: Ang Natatanging Bayan ng Agham, Kalikasan at Sining,” ipinakita ng ika-24 Bañamos Festival 2025 ang yaman ng turismo, kultura, at kabuhayan ng Los Baños na pinakamahalagang agenda ng mga mamamayan nito ⛰️🌊✨
Mula sa makukulay na parada at konsyerto, makabuluhang fun runs at trade fairs, hanggang sa mga patimpalak na nagtatampok ng talento’t likha ng bawat barangay, ang Bañamos ang nagsilbing entablado ng pagkakaisa at pag-unlad ng bayan.
Buklatin ang digital na pahina ng LB Times at balikan ang isang linggong selebrasyong ito: https://lbtimes.ph/tag/banamos-2025/
̃amosfestival2025