13/03/2026
π¦π π ππ§π π‘π πππ§ππ¦: ππ‘π’ π‘ππ ππ ππ‘π π ππππ₯ππ‘π ππππ¦π’ π¦π π ππ π¦π¨π¦π£ππ?
by: Atty. Salman Dimaporo G**o
ππ’π€π΅π΄:
Noong Huwebes, Marso 12, 2026, isang malagim na pangyayari ang yumanig sa komunidad ng mga Muslim.
Tatlong biktima ang nasawi na sina MUTALIB AMEROL at JANISAH MACUD-AMEROL pawang mag-asaw, at si SALIC AMEROL, kapatid ng lalaking biktima.
Ayon sa mga ulat, nagkaroon umano ng meet-up ang mga biktima at mga suspek kaugnay ng pagbili ng isang gold bar na ibinebenta umano ng mga suspek. Sa nasabing pagkikita, pinasakay ng mga suspek ang tatlong biktima upang umanoβy dalhin sila sa lugar kung saan makikita ang mga naturang gold bar.
Ngunit kalaunan, natagpuan na lamang ang mga katawan ng mga biktima na wala ng buhayβdalawa sa gitna ng kalsada at ang isa naman ay sa isang irigasyon.
πππ πππ πππππ πππππ ππ πππ ππππππ?
Sa ilalim ng πππ«ππ¨ππ πππ£ππ‘ πΎπ€ππ π€π π©ππ ππππ‘ππ₯π₯ππ£ππ¨ , maaaring pumasok ang kasong ππ¨ππππ«π² π°π’ππ‘ ππ¨π¦π’ππ’ππ kung mapapatunayan ang mga sumusunod na elemento:
1οΈβ£ May naganap na pagnanakaw (Robbery).
May intensyon ang mga suspek na kunin ang pera o ari-arian ng mga biktima sa pamamagitan ng panlilinlang o puwersa. Sa kasong ito, maaaring gamitin ang umanoβy bentahan ng gold bar bilang paraan upang makuha ang pera ng mga biktima.
2οΈβ£ May naganap na pagpatay (Homicide).
Habang isinasagawa o dahil sa pagnanakaw, may taong napatay. Dito, tatlong biktima ang natagpuang patay matapos ang kanilang pakikipagkita sa mga suspek.
3οΈβ£ May direktang kaugnayan ang pagpatay sa pagnanakaw.
Ibig sabihin, ang pagpatay ay ginawa upang maisagawa, mapadali, o matakasan ang krimen ng pagnanakaw.
Kapag napatunayan ang mga elementong ito sa imbestigasyon at sa hukuman, ang mga suspek ay maaaring managot sa kasong Robbery with Homicide, na may mabigat na parusang reclusion perpetua o habang buhay na pagkakakulong.
Aral ito sa ating lahat. Sa panahon ngayon, kailangan nating maging maingat sa ating pakikipagtransaksyon at huwag basta-basta magtiwala kanino man, lalo na kung malaking halaga o mahalagang bagay ang sangkot. Mas mabuting tiyakin muna ang pagkakakilanlan ng ating kausap, magsama ng ibang tao, o makipagkita sa mga ligtas at pampublikong lugar.
Hustisya para sa mga biktima.
INNALILLAHI WA INNA ILAYHI RAJION. π€²π»