25/10/2025
๐๐ฎ๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐ข๐๐๐ฅ-๐๐๐ง๐ญ๐๐ฅ ๐๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง, ๐๐๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐ข๐ง๐๐๐ง
๐๐๐ฆ๐ข๐ง๐๐๐ง, ๐๐๐ฉ๐ข๐ณโ Nagbigay-buhay sa apat na barangayโLucero, Pasol-o, Igang, at Agbun-odโang libreng serbisyong medikal at dental na hatid ng Gugma Medical-Dental Mission na isinagawa noong Oktubre 23 sa Lucero National High School, Jamindan.
Pinangunahan ang programa nina Capiz Provincial Governor Fredenil โOtoโ H. Castro at Municipal Mayor Donnah T. Valdemar, katuwang ang Punongg**o ng Lucero National High School na si Dr. Fatima L. Escuton, Barangay Captain Analie V. Benedicto, at Municipal Administrator Mac Artur L. Valdemar. Dumalo rin ang iba pang opisyal mula sa munisipyo, barangay, at Sangguniang Panlalawigan ng Capiz.
Bilang pagsalubong, naghanda ng maikling programa ang Local Government Unit ng Jamindan upang ipakita ang mainit na pagtanggap sa mga opisyal at mamamayang dumalo para sa libreng serbisyong pampubliko mula sa pamahalaan.
Ayon kay Municipal Administrator Valdemar, mahalagang samantalahin ng mga mamamayan ang ganitong mga oportunidad mula sa ahensiya ng gobyerno upang makakuha ng libreng serbisyong medical at iba pang tulong pangkabuhayan.
Kabilang sa mga serbisyong medikal na ibinigay ng Rural Health Unit (RHU) at Provincial Health Office (PHO) ang:
โข Medical check-up
โข Pagtutuli
โข Serbisyong dental
โข HIV screening
โข Pamimigay ng libreng gamot
โข Symposium sa dengue prevention at family planning
Bukod sa medikal, may iba pang serbisyong makatao gaya ng:
โข Feeding program
โข Livelihood support
โข Libreng gupit
โข Appliance repair mula sa 3rd Signal Battalion PA, PNP Jamindan, at 3FAB AAR PA
โข Registration at profiling services (PhilHealth, PhilSys National ID, COMELEC)
โข Legal advice mula sa PAO
Nagbigay rin ng tulong ang mga ahensyang pang-agrikultura at pangkalikasan sa pamamagitan ng:
โข Pamamahagi ng binhi at panlaban sa daga
โข Anti-rabies vaccination
โข Poultry at farm insurance
โข Konsultasyon sa pagsasaka at pag-aalaga ng hayop
โข IEC sa environmental safety at management
โข Palit-Basura Program ng MENRO at Department of Agriculture.
โTaos-puso ang aming pasasalamat sa programang ito ng ating Gobernador at ng ating LGU sapagkat napakalaking tulong nito lalo na sa mga mamamayan at mga estudyanteng walang kakayahang pumunta sa mga ospital, health center at iba pang ahensiya ng gobyerno dahil sa kakulangan sa peraโ, saad ni Christopher E. Maximo, isa sa mga benepisyaryo.
Sa pagtatapos ng programa, dama ang pag-asa sa mata ng bawat dumalo. Hindi ito basta proyekto lamang, kundi isang konkretong hakbang tungo sa pantay, tapat, at inklusibong serbisyong matagal nang inaasam ng lipunan.
โ๐ป: ๐๐ณ๐๐ฅ๐ฅ๐๐๐ง ๐๐๐ซ๐๐ง๐ณ๐