12/12/2024
Narito na ang mga larawan mula sa mga ka-Balay natin sa Capiz para sa huling leg ng Balay Pinoy School Caravan na ginanap sa Aglalana Integrated School sa Dumarao, Capiz!
Kasama si Heneral Tuna at Kuya Ony Carcamo, hatid natin sa mga ka-Balay ang mga programang nagtataguyod sa Filipino Values ng bansa. Nagkaroon ng Puppetry Workshop, Dance Workshop, at Storytelling Session ng mga aklat tampok ang kuwento ni Heneral Tuna!
Kasama sa pagbubukas ng program sina Komisyoner Arvin Villalon ng NCCA Subcommission on the Arts, Capiz Provincial Tourism Officer Alphonsus Tesoro, Mayor Mateo Hachuela ng Dumarao, at mga kinatawan mula sa DepEd Philippines.
Bagaman tapos na ang Filipino Values Month, tuloy tuloy parin ang ating pagtataguyod sa mga halagahang Filipino!
Abangan ang iba pang mga gawain para sa Balay Pinoy, mga ka-Balay!