23/06/2026
Isang karangalan para sa FARMKO na maging host at katuwang ng Lokal na Pamahalaan ng Dolores sa katatapos lang na 2-Day Banahaw de Dolores Tour Guiding Workshop! ⛰️🌿
Pagbati sa 8 aspiring local tour guides na sumailalim sa pagsasanay at Basic Life Support (BLS) Orientation. Handang-handa na silang gabayan kayo sa ating mga tourism at pilgrimage sites, lalo na sa nalalapit na paglulunsad ng FARMKO Banahaw Trail! 🥾🎒
Maraming salamat kay Mayor Orlan A. Calayag, Dolores Tourism Office, at MDRRMO. Sama-sama nating iangat ang turismo ng Dolores! 🤝💚