27/03/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Sa bisa ng ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐. ๐๐๐ ๐๐๐๐-๐๐ na inilabas ngayong araw, ang lahat ng kasalukuyan at nakatakdang sports leagues sa Bayan ng Dolores ay ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐. Ito ay bilang pagtalima pa rin sa Memorandum Circular No. 114 ng ating minamahal na Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Layunin ng hakbang na ito na maisulong ang mas responsableng paggamit ng enerhiya at matiyak ang episyente at wastong pamamahala ng mga pinagkukunan ng pondo at kagamitan ng pamahalaan at ng bawat barangay.
Saklaw ng direktibang ito ang lahat ng aktibidad na may kaugnayan sa palakasan, maging ito man ay pinasimulan ng barangay o inorganisa ng munisipyo, kabilang ngunit hindi limitado sa basketball, volleyball, at iba pang katulad na paligsahan o kompetisyon.
Kaugnay nito, ang lahat ng Barangay Local Government Units (BLGUs), mga organizers, at iba pang stakeholders ay inaasahan ang agarang pagtalima at ipatigil ang pagsasagawa ng anumang aktibidad kaugnay ng sports leagues, kabilang na ang mga nakaiskedyul na laro, ensayo, at iba pang kaugnay na gawain.