21/05/2026
๐ PAALALA SA LAHAT |LIBRENG SAKAY PARA SA PALARONG PAMBANSA!
Para sa lahat ng nais manood at sumuporta sa mga laban ng Palaro tu Agsur 2026 na gaganapin dito sa probinsya, mayroong Libreng Sakay Program mula sa probinsya ng Agusan del Sur!
Paano mag-avail?1. I-scan ang QR code (na makikita sa larawan) upang makapag-register. Sundin lamang ang mga hakbang.
2. I-save ang inyong Registration ID. Mahalaga ito dahil ito ang inyong ipapakita bago makasakay.
Oras ng Biyahe:
Mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 7:00 ng gabi;
Mga opisyal na pick-up at drop-off points:๏ฟฝMunicipal gymnasium, San Agustin๏ฟฝUnsayawon, Labnig๏ฟฝNew Terminal, Del Monte.๏ฟฝ
PAALALA: Ang Libreng Sakay Program na ito ay para lamang sa mga manonood (spectators/fans) ng Palarong Pambansa na ginaganap sa munisipyo ng Talacogon.
Hinihikayat ang lahat na magtulungan para sa tagumpay ng pagho-host ng Palarong Pambansa 2026!
Maraming salamat at ingat sa biyahe! ๐ (MIO Talacogon)