Established in the year 1999 by Mayor Ambrosio C. Cruz, Jr., the Halamanan Festival has since became the brand of the Municipality of Guiguinto. It was first conducted in gratitude and recognition of Guiguinto's dear Patron, St. Ildefonso. Its feast day is being held every 23rd day of January.
Halamanan Festival is concelebrated with grand Street Dancing, with the participation of dancers from schools and villages of Guiguinto and even from different towns of Bulacan. The dancers adorned their garments with flowers, twigs, leaves, and more.
Aside from celebrating the feast of San Ildefonso, Halamanan Festival is also a means to further display the capabilities and "Galing ng Guiguintenyo" in various fields of horticulture such as landscaping, plant propagation, plant seedling and nursery, flower cutting, arranging, interior decorating, dish gardening and bonsai artistry.
1. Sa lumipas na dalawampung taon ay kinikilala at sadyang inaabangan hindi lamang ng mga taga Guiguinto o Bulacan kundi maging taga labas ng ating lalawigan ang Halamanan Festival dahil sa makulay, maningning at masayang pagdiriwang na ito upang mapagyaman at maibantog ang industriya ng paghahalaman sa Guiguinto. Ang mga tampok na gawain sa taunang pagdiriwang ay ang Paligsahan sa Paghahalaman, Eksibit ng mga Bonsai, Indakan sa Kalye, Parada ng Karosa, Hari at Reyna ng Halamanan, Sundaluhan, Bagsak Presyo ng Halaman, YEBA (katutubong zumba), Sabayang Paglilinis ng mga Barangay, IskolaRun, Ulat ng Punong Bayan at ang Star Jamboree.
2. Ang Halamanan Festival ay kinonsepto at sinimulan noong taong 1999 ni Mayor Ambrosio C. Cruz, Jr. sa layuning makilala ang Guiguinto bilang Sentrong Halamanan ng Lalawigan dahil sa malagong industriya ng paghahalaman sa bayang ito. Ito ay itinakda tuwing Enero bilang paggunita sa pagkakatatag ng Guiguinto bilang isang nagsasariling munispyo at kaalinsabay sa Kapistahan ng Patron ng Bayan.
3. Ito ang kauna-unahang “LGU initiated festival” sa lalawigan ng Bulacan. Hindi ito isang manang tradisyon na salig sa relihiyon o gawaing may kaugnayan sa pananampalataya. Ito ay itinatag upang mabigyan ng pagkakakilanlan ang Guiguinto bilang sentrong halamanan at upang mapayabong ang industriya ng paghahalaman.
4. Taun-taon ay nilalaanan ito ng pondo at tinutustusan ng Pamahalaan Bayan bilang tulong sa pagpapalakas ng industriya ng paghahalaman at madagdagan ng maaaring hanap-buhay mula rito ang mga mamamayan ng Guiguinto katulad ng mga landscape projects, bonsai making, figurative and ornamental plants propagation at marami pang ibang may kinalaman sa paghahalaman.
5. Ito rin ay isang paraan upang maging mulat ang mamamayan sa kalahagahan ng maayos at malinis na kapaligiran dahil bahagi ng pagdiriwang ang pagkakaroon ng sabayang paglilinis sa lahat ng barangay ng Guiguinto kasabay ng isang linggong pagtuturo at pagpapa-alala sa mga mag-aaral hinggil sa wastong pangangasiwa sa basura.
6. Ito ang natatanging festival sa Bulacan na ang mga kalahok ay “community-based” at hindi school based. Ang lahat ng barangay sa Guiguinto ay pinaglalaanan din ito ng pondo upang magwagi sila sa iba’t-ibang kumpetisyon. Sila ay tinutulungan din ng ilang kilalang kalakalan o mamumunuhan sa Guiguinto upang matustusan ang kanilang mga lahok. Sa tuwina ay mga corporate sponsors ang malaking tulong sa Parada ng Karosa dahil nag-aambag sila ng pondo para sa mga ito kapalit ng patalastas ng kanilang mga produkto o pangalan ng kumpanya.
7. Dahil kilala na at kaabang-abang ang Halamanan Festival, dinarayo na ito ng mga taga-ibang lugar tuwing ito ay idinaraos. Nitong nagdaang Enero, ayon sa datos ng PNP, ay umabot sa pitong libong katao ang nanuod sa Indakan sa Kalye lamang. Wala pa rito ang bilang ng mga nanuood sa Parada ng Karosa at Sundaluhan na tinatayang humigit pa sa pitong libong katao.
8. May mga balikbayan at ilang banyaga na ring nakiki-isa at nakikisaya sa taunang pagdiriwang at ito ay mapatutunayan ng mga paupahang hotel o resort batay sa kanilang booking log book.
9. Dahil sa Halamanan ay naging maganda ang pasok ng buwis sa kaban ng bayan tuwing Enero dahil na rin sa nakikitang matuwid at wastong pamamahala. Ang mga maliliit na mangangalakal katulad ng mga street vendors ay may malaking kapakinabangan din tuwing Halamanan Festival dahil tumataas ang kanilang kita sa panahong ito. Gayundin naman, ang festival ay nagsisilbing daan upang maipatalastas ang mga produktong gawa at ipinagbibili sa Guiguinto.
10. Ito lamang ang tanging festival sa lalawigan na taun-taong inaanyayahan sa Festivals of the North na ginaganap sa Lungsod ng Dagupan tuwing Abril. Maliban dito ay ilang ulit na ring naanyayahan ang Halamanan Festival sa Best of the Bests ng Kagawaran ng Turismo sa Rehiyon 3, Aliwan Fiesta, Welcome Performers sa nakaraang ASEAN Meeting at iba pang tanyag na paligsahan. Ito rin ang unang festival sa Bulacan na nagkaroon ng sariling musika na ginagamit din sa ibang festival sa ibang lalawigan. Tunog pa lamang ng Halamanan Music ay alam na agad na ito ay tatak Guiguinto.
11. Binabalangkas na sa ngayon ang pagpapalakas at pagpapaunlad sa kooperatiba ng mga maghahalaman upang mapaganda at maging sentrong panturismo ng bayan ang tinagurian naming Garden City. Maliban dito ay kasalukuyang ginagawa ang likurang bahagi ng munisipyo kung saan initatayo ang “Halamanan Park” na magtatanghal sa mga landscaped showcase ng mga maghahalaman ng Guiguinto. Ito ay amin nang inilapit sa Tourism Infrastructure and Economic Zone Authority (TIEZA) upang makapaglaan ng karandagabng pondo sa proyekto at upang magkaroon ito ng simpleng “amphitheater” sa aming pagnanais na magkaroon ng lugar sa pagtataguyod ng sining at kalinangan ng Guiguinto.
12. Ang Halamanan Festival ay ang una kundi man namumukod tanging programang panturismo na binuo, ipinatutupad at patuloy na kinikilala bilang pinakamakulay at masayang festival sa Bulacan ng isang Local Government Unit.