24/07/2023
BOCAUELYMPICS CHEERDANCE COMPETITION AND AWARDING CEREMONY πβ€οΈβπΌ
Mainit po ang nangyaring bakbakan kagabi para sa ginanap na Bocauelympics Cheerdance Competition at kasabay po nito ang matagumpay na pagsasara at Awarding Ceremony para sa lahat ng 12 events ng Bocauelympics 2023.
Taus-pusong pasasalamat po sa ating butihing Punong Bayan Mayor Jonjon JJV Villanueva , Vice Mayor Atty. Sherwin N. Tugna At sa Chairman ng Committee on Youth and Sports Jamela βJAMβ Mendoza , Vice Chairman Konsehal Konsehal Jerome Reyes at mga miyembro Konsehal Alvin Cotaco at Konsehal Noriel German kasama sina Konsehala Mirasol Bautista , Konsehal Aries Nieto , Councilor Yboyh "Takong" Del Rosario Sr. at ABC President Ruben Delos Santos sa pagsasagawa at pagsasakatuparan ng ginanap na Bocauelympics.
Gayundin po ang ating pasasalamat sa ating mga Kapitan, Barangay Kagawads, mga kapwa kong SK Chairmans at SK Kagawads ng 19 barangays sa Bayan ng Bocaue sa inyo pong pakikilahok, pakikiisa at sa inyong puspusang paghahanda at suporta para sa lahat ng inyong mga naging kalahok.
Sa ating mga point persons, mga g**o, sa ating Municipal Administrator Alex Yap, Accounting Officer Jojo Samson, sa CSUs, GSOs, Barangay Ambassadors, Sangguniang Bayan Staff, Bocaue Rescue, PNP Bocaue at sa Team JCM, maraming salamat po sa inyong pagtulong, pagsuporta at sa oras na inyong nilaan para mapaganda at maging matagumpay ang Bocauelympics.
Nakakatuwa po masaksihan sa loob ng higit sa isang buwan ang galing, talino at abilidad sa ibaβt ibang larangan ng higit kumulang na 2500 participants ng Bocauelympics. Maraming maraming salamat po sa lahat ng sumuporta sa proyekto ng ating Pamahalaang Bayan ng Bocaue sa pangunguna po ng ating mahal na Mayor Jonjon JJV Villanueva.
Congratulations sa Barangay Caingin na tinanghal bilang Overall Champion, Barangay Taal na tinanghal bilang Overall Champion 1st runner up, Barangay Bambang na tinanghal bilang Overall Champion 2nd runner up ng Bocauelympics at sa lahat po ng nanalo sa lahat ng 12 events ng Bocauelympics.
Sa Diyos ang papuri at pasasalamat!!
Mabuhay ang Kabataang BocaueΓ±os!