28/05/2026
Isa sa mga unexpected moments ng Team ISK Training Facility ROUND 2 Boxing and Kickboxing Tournament ay ang naging laban ni Lorenze Del Castillo! π₯π₯
Dahil late nang dumating sa event, kabilang si Lorenze sa mga fighters na pinapasok sa ring upang mahanapan ng possible na ka-match para sa undercard bouts. π
May nakita sanang malapit sa kanyang timbang na si Joshua Basilio mula rin sa Team Batibot, ngunit hindi ito pinayagan ni Chairman Xue dahil pareho silang mula sa iisang team. π
Habang papalapit ang susunod na laban, biglang nagkaroon ng pagkakataon matapos hindi matuloy ang isang matchup mula sa Team AC Fitness Gym. Dito na pumasok si Ryan Domingo, na mas magaan nang kaunti kay Lorenze, upang matuloy ang bakbakan at mabigyan ng laban ang crowd. π₯
Sa kabila ng last-minute adjustments at biglaang pagbabago ng matchup, parehong ipinakita ng fighters ang kanilang pagiging game at handang sumabak anumang oras para sa experience at passion sa combat sports. ππ₯
Respect sa lahat ng fighters na tumatanggap ng hamon kahit short notice at sa mga organizers na patuloy nagbibigay oportunidad sa grassroots fighters! ππ₯