20/05/2026
Bilang isa sa mga miyembro ng opisyal na organisasyong kumakatawan sa mga Pilipino sa pinakamalaking alyansa ng komunidad ng mga Pilipino sa rehiyon ng Chūbu — ang Filipino Community Central Japan o FCCJ, na sumasaklaw sa siyam na prefecture — ang Toyama Association of Filipino Communities ay buong pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng ika-128 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas sa pakikipagtulungan ng Philippine Consulate General in Nagoya.
Sa temang “Himig ng Kalayaan” — Pagdiriwang ng Kalayaan sa Pamamagitan ng Orihinal na Musikang Pilipino, buong pagmamalaking inihahandog ng FCCJ Committee on Culture and Youth ang orihinal na awiting “TAYO AY IISA.”
Kasama sa proyektong ito ang mga lokal na artist na nakabase sa Japan:
• Wisewun – Rapper / Songwriter
• Arpot Madum – Rapper / Songwriter
• Chenel Roche – Singer
Isang awiting sumisimbolo sa pagkakaisa, kultura, at diwa ng pagiging Pilipino para sa Fiesta Filipino Chubu 2026, Para sa pagdiriwang na gaganapin sa Hisaya-odori Park – Angel Plaza
📅 June 13–14, 2026
📍 Sakae, Nagoya, Aichi, Japan.