09/10/2026
🏃♂️💚 GOOD LUCK, POLANGUI RUNNING CLUB! 💚🏃♀️
To our PRC members running the Albay Half Marathon this October 11, 2026. GOOD LUCK, TEAM! 🔥
Tandaan: Run with Integrity, Discipline, and Pride! Pero huwag kalimutang mag-enjoy ha! Hindi tayo galit sa mundo, tumatakbo lang tayo. 😂🤣
Race smart, trust your training, and support your fellow runners. Kung may humabol, hayaan mong humabol. Kung may maunahan, huwag masyadong mayabang. Baka sa water station kayo magkita ulit! 🤣💦
Hindi lahat ng laban ay kailangang may PR. Minsan, ang goal lang ay makatawid sa finish line nang buhay na buhay, kumpleto ang toenails, at walang bagong injury! 😭😂
Pace yourself, enjoy the moment, and cheer for one another! Kung mabigat na ang mga paa, ngumiti pa rin sa photographer. Malay mo, pang-profile picture na pala! 📸🤣
At higit sa lahat, dala natin ang pangalan ng Polangui Running Club. Tumakbo nang may respeto, disiplina, at pagmamalaki. Ipakita natin na hindi lang tayo malakas tumakbo higit sa lahat marunong din tayong sumuporta at makisama!
Run with Integrity. Run with Discipline. Run with Pride. And most importantly, ENJOY THE RACE! 🏅
Padagos, mga ka-PRC! Huwag kalimutang mag-hydrate, mag-warm-up, at magdasal. Ang pace puwedeng bagalan, pero ang chika sa finish line, walang cutoff! 🤣💚
GOOD LUCK, TEAM PRC! We run as one! 🖤💚❤️