SAN Isidro Basketball League

  • Home
  • SAN Isidro Basketball League

SAN Isidro Basketball League Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SAN Isidro Basketball League, .

17/03/2026
Ang Pinalad Youth Council ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Proteksyon sa Sunog ngayong taon ng 2024. 🧯🔥🚒Lagi't-la...
04/03/2024

Ang Pinalad Youth Council ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Proteksyon sa Sunog ngayong taon ng 2024. 🧯🔥🚒

Lagi't-lagi tandaan: Kaligtasan ay unahin, sunog ay iwasan.

“Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa.”

Mapalad ang purok PINALAD 🩵💚🧡❤️
17/11/2023

Mapalad ang purok PINALAD 🩵💚🧡❤️

PADAYON: Ang Pinalad Youth Council ay isang Youth Organization ng purok pinalad sa Brgy. Pinagbuhatan Pasig city, patuna...
06/11/2023

PADAYON: Ang Pinalad Youth Council ay isang Youth Organization ng purok pinalad sa Brgy. Pinagbuhatan Pasig city, patunay na ang purok pinalad ay nagkakaisa sa pagseserbisyo sa kapwa at sa komunidad.

Makilahok at maging bahagi sa aming organisasyon upang maging aktibo ang kabataan sa ating purok.

Kung ikaw ay nasa edad:

*15 hanngang 30 taong gulang

*Residing in Pinalad/Pinagbuhatan

Kaya ikaw ano pa ang inaantay mo? Pwedeng pwede kang sumama at makiisa sa gawain ng organisasyon. Sali na at yakapin natin ang pagkakaisa at damhin ang sigla ng kabataan dito sa ating Purok, Brgy pinagbuhatan at Lungsod.

REGISTER HERE!

https://docs.google.com/forms/d/1cqq3ff3mxf2lM-GNYtM0Ij1qz_7zNwsiO21zsax0NtA/edit?pli=1

https://docs.google.com/forms/d/1cqq3ff3mxf2lM-GNYtM0Ij1qz_7zNwsiO21zsax0NtA/edit?pli=1

Mag-halal ng mga kabataang MAKABAYAN, INKLUSIBO AT MAY PANININDIGAN 💙ITO ATING IBOTO SA OCTOBER 30, 2023KABATAANG GITING...
21/10/2023

Mag-halal ng mga kabataang MAKABAYAN, INKLUSIBO AT MAY PANININDIGAN 💙

ITO ATING IBOTO SA OCTOBER 30, 2023

KABATAANG GITING NG PINAGBUHATAN

BRGY KAGAWAD : MJ COLMINAS

SK CHAIRMAN: PAULO DAYANDANTE

SK KAGAWAD

- SK RICHARD YNOT
- SK PATRIK MORALES
- SK JESSICA PADILLA
- SK JAMAICA SANTOS
- SK JAMES MONTE DE RAMOS
- SK MIKE MARTIN

Isanga Masamang Balita ang aming natanggap 🥹Siya po si JAYSON CAMELON na Lubusan na pong namayapa, Kilala po natin siya ...
18/11/2022

Isanga Masamang Balita ang aming natanggap 🥹

Siya po si JAYSON CAMELON na Lubusan na pong namayapa, Kilala po natin siya bilang isang Committee ng ating taonang paliga sa PINALAD COURT 🙏🥹

Lubos kaming nagpapasalamat sayo Jayson sa walang sawang paglilingkod bilang isang Volunteer ng ating komunidad, Dalangin at Pagpapasalamat sa iyong kontribusyon sa ating LUGAR 🥹🙏 Ang buong Organisasyong ito ay lubos na NAKIKIRAMAY sayo 🙏🥹

Sa mga Nais pong dumalaw sa labi ng ating kaibigan maari lamang pumunta sa San Juan St. Pinalad Rd. Nagpayong. Huling gabi na niya po mamaya Nov. 19 2022. 🙏🖤🤍

Sa mga nais naman pong tumulong o magbigat ng konting donasyon sa mga nangulilang pamilya tumugon lamang po kayo sa lugar ng kanyang pinagburulan.( sa kanilang bahay)



Pasasalamat sa mga nag organize at tumulong sa Paliga ngayong Taon! ❤️🏆
16/05/2022

Pasasalamat sa mga nag organize at tumulong sa Paliga ngayong Taon! ❤️🏆

THE LAST PICTURE OF SUPPORTERS!MARAMING SALAMAT ❤️🏆
16/05/2022

THE LAST PICTURE OF SUPPORTERS!

MARAMING SALAMAT ❤️🏆

CONGRATULATION SA SIBL 2022 WINNERSJUNIOR DIVISIONCHAMPION 🏆GOLDEN SHOWER 1ST RUNNER UP 🏆SAN JUAN 2ND RUNNER UP 🏆STARVIL...
16/05/2022

CONGRATULATION SA SIBL 2022 WINNERS

JUNIOR DIVISION

CHAMPION 🏆
GOLDEN SHOWER

1ST RUNNER UP 🏆
SAN JUAN

2ND RUNNER UP 🏆
STARVILLE

MIDGET DIVISION

CHAMPION 🏆
VILLA BENELDA

1ST RUNNER UP🏆
BROTHERHOOD

2ND RUNNER UP
CHICO

PADAYON MGA KAMPEON 🏆🏆

 Sa nalalapit na pagtatapos ng 2022 Edition ng SIBL narito ang 7 Highlights ng ating liga ngayong taon:1. HYBRID PLATFOR...
13/05/2022


Sa nalalapit na pagtatapos ng 2022 Edition ng SIBL narito ang
7 Highlights ng ating liga ngayong taon:

1. HYBRID PLATFORM
Sa kauna unahang pagkakataon ginamit ang Digital at manual basis ng pagpapasa ng mga dokumento. Google forms sa Pre Registration at actual submission sa pinal na pag reregister. Mas mabilis, inclusibo at mas tipid sa mga papel at iba pang materyales. Ginamit din sa kauna unahang pagkakataon ang social media para sa mga updates at schedule ng laro.

2.MORE PRIZES
Mas mataas ang 5 beses ang Prizes ngayong taon. Mula sa 2000 pesos, ngayon, 5000 na ang sa champion, 3000 sa 1st Runner up at 2000 sa 2nd Runner up. A total of 10,000 prize pool.
Bukod pa dito ang iba pang minor awards at mga sponsorship prizes. mula opening hanggang finals.

3. MAS INCLUSIBO
Mula sa pag hingi ng mga suhestiyon ng mga players noong pre registration, hanggang sa pag bubukas natin sa private and government sponsorship, mas naging bukas na ang liga para sa lahat. Walang palakasan sa registration, lahat pantay pantay.

4. PROFESSIONAL REFEREES
Sa tulong ng PLBA, mas naging organisado ang paliga ngayong taon. Dahil mas propesyonal na ang referees ngayon, mas nageenjoy at panatag ang mga manlalaro mula sa opening hanggang sa pagtatapos ng paliga

5. Bukas na Financial Statements para sa lahat
Bukas ang liga sa mga gustong magrequest ng breakdown ng mga ginastos at mga pinaglaanan ng registration fee. Karapatan iyon ng mga manlalaro na sya nating pinahahalagahan

6. PARA SA KABATAAN
80% ng budget ay ginasta para mismo para sa laro ng kabataan. Hindi sa meryenda at iba pang mga bagay, kundi sa mga bagay na kailangan mismo ng mga kabataan para makapaglaro (referee's fee, cash prize, minor prize at certs etc) The rest ng budget ay inilaan sa other expenses tulad ng design and set up, white board market etc.
Tinipid ang pagkain ng committees ngayong taon. Dahil naniniwala kami na ang sentro ng paliga ay kayo: mga manlalaro.
7. NAGING EHEMPLO
Sinusundan na ng ibang mga karatig paliga ang ating proseso. At dahil doon iisa ang malinaw: Adaptable at Effective ang ating proseso. Nahikayat din ang bawat kabataan na makiisa ngayong taon. May mga boluntaryong umalalay sa committee, nagpaabot ng kani kanilang mga pameryenda at tumulong sa maliliit na bagay. Tunay nga na bayanihan ang namayani sa ating paliga ngayong taon.

Ang lahat ng ito ay dahil sa inyo, at para sa inyo. Maraming Salamat sa inyong tiwala. Sampu ng mga bumubuo ng SIBL 2022, Maraming Salamat po

Paalala sa mga manonood:👑1. Limitado lamang ang makakapasok sa loob ng court. Siguraduhing maaga upang makapasok at hind...
13/05/2022

Paalala sa mga manonood:
👑1. Limitado lamang ang makakapasok sa loob ng court. Siguraduhing maaga upang makapasok at hindi masaraduhan ng gate. Hindi na maaaring pumasok kapag puno na ang venue, kahit kasama pa ito ng official players

👑2. Walang mga pagkain at babasaging bote at matatalas na mga bagay. Ito ay para sa kaayusan ng lahat

👑3. No Children Allowed. Huwag nang isama ang mga maliliit na bata upang makaiwas sa disgrasya

👑4. Bawal magsugal. Eescortan palabas ang sino mang mahuhuli|

👑5. Ang pagsigaw ng mga hindi kaaya ayang mga salita ay maaaring magresulta sa pagpapalabas ng nasabing audience.

Happy Viewing mga ka SIBL!

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SAN Isidro Basketball League posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your business to be the top-listed Event/venue?

Share