15/04/2026
Perfect
πππ ππππππ, ππππππππππ ππ ππππππ ππππ ππ πππππππ ππ ππππ ππ ππππππ ππππππππ
Maglulunsad ang 2GO Travel ng bagong ruta sa dagat na magdurugtong sa Cebu at Puerto Princesa bilang karagdagang koneksyon ng byahe sa Visayas at Palawan.
Gagamitin sa naturang biyahe ang barkong M/V 2GO Masinag na babaybay sa rutang ManilaβCebuβPuerto PrincesaβManila.
Ang M/V 2GO Masinag ay kabilang sa βM-Seriesβ fleet ng kumpanya, na itinayo noong 2002 sa Mitsubishi Heavy Industries shipyard sa Shimonoseki, Japan, at dati umanong nagsilbi bilang Ferry Fukuoka II bago dalhin sa Pilipinas.
Isa itong passenger o Ro-Ro cargo ship na may habang 167 metro at may kapasidad na humigit-kumulang 732 pasahero.
Kayang tumakbo ng barko sa bilis na 21 knots at may sapat na espasyo para sa mga sasakyan at container vans.
Tampok sa Masinag ang mga modernong pasilidad gaya ng Horizon CafΓ©, Island Fiesta dining hall, tindahan ng Watsons, at ibaβt ibang klase ng accommodation mula Mega Value hanggang VIP Suiterooms.
Ayon sa 2GO Travel, layunin ng bagong rutang ito na magbigay ng mas maraming opsyon sa mga pasahero at negosyo, gayundin ang pagpapalakas ng turismo at kalakalan sa pagitan ng Cebu at Puerto Princesa.
Via: Leila Bingco
Photo Credit: Noypi Coron
This news update is brought to you by:
1. ππππππ πππ - The Alkaline Vitamin C.
2. πππππ - The Anti-Bacterial Specialist
3. ππππππ - The Superior Antioxidant
4. πππππ¨ππππππ’π± - Love & Wellness in every cup