Odiongan Kanidugan Festival

Odiongan Kanidugan Festival Welcome to the official page of the Odiongan Kanidugan Festival, where tradition meets community spirit!

Join us as we honor our heritage, celebrate our vibrant culture, and showcase the bounty of our Kanidugan (Cocoland).

Yamusang nak, salamat sa tanan! 💖Mula sa lokal na pamahalaan ng bayan ng Odiongan sa pangunguna ni Hon. Roger Q. Fodra J...
21/04/2026

Yamusang nak, salamat sa tanan! 💖

Mula sa lokal na pamahalaan ng bayan ng Odiongan sa pangunguna ni Hon. Roger Q. Fodra Jr, Municipal Mayor/Fiesta President 2026,Maraming salamat sa lahat ng tumulong at nakiisa sa nakalipas na ika-179 Founding Anniversary at Kanidugan Festival 2026 ng Bayan ng Odiongan. Dahil sa inyong suporta, pakikiisa, at pagmamahal, naging matagumpay at masaya ang pagdiriwang na ito.

Padayon kita ag magbinulugan kita para sa mas maunlad at mas masiglang Odiongan Para sa Lahat!




16/04/2026
15/04/2026

𝗞𝗔𝗡𝗜𝗗𝗨𝗚𝗔𝗡 𝗙𝗘𝗦𝗧𝗜𝗩𝗔𝗟 𝟮𝟬𝟮𝟲

Isang malaki at makulay na tagumpay ang naging pagdiriwang ngayong taon ng Kanidugan Festival kasabay ng 179th Founding Anniversary ng ating mahal na Bayan ng Odiongan!

Balikan natin ang mga kaganapan noong nakaraang linggo kung saan naging saksi ang lahat sa husay ng mga atleta sa sports, sa ningning ng mga kandidata sa entablado, at sa walang katapusang saya ng mga aktibidad na nagbuklod sa ating mga Odionganon.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng Kanidugan Festival 2026.

See you next year, mga kasimanwa! 🥥🌴




15/04/2026
𝗞𝗮𝗻𝗶𝗱𝘂𝗴𝗮𝗻 𝗙𝗲𝘀𝘁𝗶𝘃𝗮𝗹 𝟮𝟬𝟮𝟲: 𝗠𝗶𝘀𝘀 𝗢𝗱𝗶𝗼𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗥𝗼𝘀𝗲𝗔𝗽𝗿𝗶𝗹 𝟭𝟬, 𝟮𝟬𝟮𝟲 | Matagumpay na idinaos ang grandiyosong gabi ng Miss Odiongan...
14/04/2026

𝗞𝗮𝗻𝗶𝗱𝘂𝗴𝗮𝗻 𝗙𝗲𝘀𝘁𝗶𝘃𝗮𝗹 𝟮𝟬𝟮𝟲: 𝗠𝗶𝘀𝘀 𝗢𝗱𝗶𝗼𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗥𝗼𝘀𝗲

𝗔𝗽𝗿𝗶𝗹 𝟭𝟬, 𝟮𝟬𝟮𝟲 | Matagumpay na idinaos ang grandiyosong gabi ng Miss Odiongan Rose 2026 noong Abril 10, 2026, sa Odiongan Public Plaza. Bilang isa sa mga tampok na kaganapan sa Kanidugan Festival, ipinamalas ng mga kandidata ang kanilang umaapaw na ganda, talino, at hindi matatawarang grace sa gitna ng entablado. Punong-puno ng hiyawan at suporta ang buong plaza habang isa-isang nagpakitang-gilas ang mga kalahok sa prestihiyosong gay pageant na ito.

Naging sentro ng gabi ang pagpapakita ng husay ng bawat isa sa pagrampa at sa question and answer portion na nagpatunay sa kanilang galing at adbokasya. Sa huli, isang reyna ang muling sumibol at nagningning bilang pinakabagong Miss Odiongan Rose. Ang nasabing patimpalak ay muling nagbigay-kulay at saya sa pagdiriwang ng ating kapistahan, na nagpapakita ng inklusibong kultura at pagkakaisa ng bawat Odionganon.




𝗞𝗮𝗻𝗶𝗱𝘂𝗴𝗮𝗻 𝗙𝗲𝘀𝘁𝗶𝘃𝗮𝗹 𝟮𝟬𝟮𝟲: 𝗖𝗶𝘃𝗶𝗰 𝗣𝗮𝗿𝗮𝗱𝗲𝗔𝗽𝗿𝗶𝗹 𝟵, 𝟮𝟬𝟮𝟲 | Umarangkada ang makulay na Civic Parade para sa Kanidugan Festival ...
14/04/2026

𝗞𝗮𝗻𝗶𝗱𝘂𝗴𝗮𝗻 𝗙𝗲𝘀𝘁𝗶𝘃𝗮𝗹 𝟮𝟬𝟮𝟲: 𝗖𝗶𝘃𝗶𝗰 𝗣𝗮𝗿𝗮𝗱𝗲

𝗔𝗽𝗿𝗶𝗹 𝟵, 𝟮𝟬𝟮𝟲 | Umarangkada ang makulay na Civic Parade para sa Kanidugan Festival 2026 noong umaga ng Abril 9. Ganap na 7:00 AM nang nagsimulang magmartsa ang mga kalahok mula sa OSCES na nagsilbing start point ng parada. Suot ang kanilang mga makukulay na kasuotan, naging masigla ang bawat hakbang ng mga delegasyon na nagpakita ng yaman ng ating kultura at tradisyon.

Nagpamalas ng pagkakaisa ang iba't ibang tanggapan ng gobyerno, mga organisasyon, paaralan, at mga lokal na negosyo na nakilahok sa aktibidad. Ang bawat grupong dumalo ay nagpakitang-gilas sa kalsada, bitbit ang siglang sumasalamin sa progresibong bayan ng Odiongan. Ang tagumpay ng nasabing parada ay nagsilbing hudyat ng mas masaya at masaganang pagdiriwang ng ating kapistahan.

Photos: Ka Imahe and Palangga TV




𝗞𝗮𝗻𝗶𝗱𝘂𝗴𝗮𝗻 𝗙𝗲𝘀𝘁𝗶𝘃𝗮𝗹 𝟮𝟬𝟮𝟲: 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗡𝗶𝗴𝗵𝘁𝗔𝗽𝗿𝗶𝗹 𝟳, 𝟮𝟬𝟮𝟲 | Bilang bahagi ng makulay na pagdiriwang ng kapistahan, matagumpay...
14/04/2026

𝗞𝗮𝗻𝗶𝗱𝘂𝗴𝗮𝗻 𝗙𝗲𝘀𝘁𝗶𝘃𝗮𝗹 𝟮𝟬𝟮𝟲: 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗡𝗶𝗴𝗵𝘁

𝗔𝗽𝗿𝗶𝗹 𝟳, 𝟮𝟬𝟮𝟲 | Bilang bahagi ng makulay na pagdiriwang ng kapistahan, matagumpay na idinaos ang Barangay Night nitong Abril kung saan sinimulan ang programa sa isang Grand Entrance ng 25 barangays ng bayan. Sentro ng aktibidad ang pagkilala sa mga Top Performing Barangays sa ilalim ng BBIS, MELLPI, kabilang ang LTIA, Ecological Solid Waste Management, at iba't ibang mga konseho.

Binigyang-pugay din sa nasabing gabi ang mga Three-Termer Barangay Chairpersons para sa kanilang dedikasyon at tapat na paglilingkod. Ang tagumpay na ito ay sumasalamin sa pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat komunidad tungo sa isang progresibong Odiongan.




𝗛𝗮𝗽𝗽𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗡𝗼𝘄: 𝗠𝗶𝘀𝘀 𝗢𝗱𝗶𝗼𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗥𝗼𝘀𝗲 𝟮𝟬𝟮𝟲𝗔𝗽𝗿𝗶𝗹 𝟭𝟬, 𝟮𝟬𝟮𝟲 | Kasalukuyang nagningning ang Odiongan Public Plaza sa pagganap ng...
10/04/2026

𝗛𝗮𝗽𝗽𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗡𝗼𝘄: 𝗠𝗶𝘀𝘀 𝗢𝗱𝗶𝗼𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗥𝗼𝘀𝗲 𝟮𝟬𝟮𝟲

𝗔𝗽𝗿𝗶𝗹 𝟭𝟬, 𝟮𝟬𝟮𝟲 | Kasalukuyang nagningning ang Odiongan Public Plaza sa pagganap ng Odiongan Rose 2026. Nag-uumapaw ang ganda ng ating mga kandidata habang buong-husay na ibinibida ang kanilang makulay na talento at adbokasiya sa entablado.

Ang gabing ito ay hindi lamang pagdiriwang ng ganda at tagisan ng galing sa pagsagot, kundi isang pagkilala sa mahalagang papel at kontribusyon ng LGBTQ+ Community sa pagpapatatag ng ating bayan sa loob ng 179 na taon.




Address

Odiongan
5505

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Odiongan Kanidugan Festival posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category