22/07/2025
HiNDI NA NAIBABALIK PA ANG NASIRANG KIDNEY
Nababahala ang mga eksperto sa medisina sa patuloy na pagtaas ng kaso ng mga pasyente na may problema sa kidney o bato. Mahigit 7 milyong Pinoy na ang may Chronic Kidney Disease.
Pabata rin ng pabata ang mga pasyente na kailangang sumailalim sa Hemo dialysis.
Nagpapahirap rin sa mga pasyente ang iba’t-ibang kumplikasyon na dala ng kidney disease na kung hindi matutugunan ng atensyong medikal ay maaaring ikamatay.
“Sakit ng mayaman” kung ituring ito ng ilan sapagkat milyong piso ang ginugugol ng mga pasyente na nais dugtungan ang buhay.
Ayon pa sa mga eksperto, ang lifestyle ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng bilang ng mga may problema sa kidney. Wala ring sapat na kaalaman ang marami nating kababayan. Ang pagbabalewala sa mga sintomas na nararamdaman at ang hindi pagpapakonsulta sa mga doktor ay malaki rin ang epekto.
Narito ang ilan sa mga maaaring makapagdulot ng kidney disease:
- Pagkakaroon ng diabetes
- Hypertension
- Pagkain ng sobrang maalat
- Pagkain ng instant noodles / mga pagkaing maraming preservatives/ fast food
- labis na pag inom ng energy drink at soft drinks.
- Self medication o pag-inom ng mga gamot na hindi ipinayo ng doktor / pag-abuso sa pain relievers
- Pagpupuyat at stress
- impeksyon sa daluyan ng ihi.
Muli, doble ingat.. Hindi na naibabalik pa ang nasirang kidney. Le***an Friends Abilities