21/03/2026
β¨πππ¦π π‘π π§πππ¨π π£ππ¬ πππππ‘π π‘π πππ¬ππ‘, π£ππ‘πππ’ π§ππ¬π’ π¦π ππ’π‘ππππ‘ππ¦π πππ¦π§ππ©ππ β¨
πΈ π¦ππ¬ππͺ ππππͺππ‘ πππ‘ππ π§π₯π’π¨π£π πΈ
β¨πππ¦π§ ππ‘ π¦π§π₯πππ§ πππ‘ππ
β¨πππ¦π§ ππ‘ ππ’π¦π§π¨π π
β¨π’π©ππ₯πππ ππππ π£ππ’π‘
π¦π¨ππ’π‘π π£π ππππ¨π π£ππ§, π§πππ¦ π‘π’π’ ππππ¨π π£ππ§ππ‘Μπ’ π§‘
Isang taos-pusong pasasalamat sa matagumpay naming paglahok sa 4th Longganisa Festival 2026 sa Calumpit, Bulacan! π
Una sa lahat, lahat ng papuri at pasasalamat ay iniaalay namin sa Diyos na naging gabay at lakas namin sa bawat hakbang. Siya ang naging sandigan namin sa bawat pagsubok at pagod na aming dinaanan.
Pasasalamat din sa aming choreographer, maraming salamat sa walang sawang pagtuturo, tiyaga, at dedikasyon para mailabas ang pinakamahusay sa amin. Sa aming props maker, salamat sa inyong husay at paglikha ng mga kagamitang nagbigay buhay sa aming pagtatanghal.
Sa bawat mananayaw, saludo kami sa inyong sipag, sakripisyo, at puso. Hindi naging madali ang lahatβmga gabing walang tulog, nakakapagod na ensayo, at mga panahong gusto nang sumukoβpero pinili nating magpatuloy para sa iisang layunin.
Sa lahat ng sumuporta at naniwala sa aminβpamilya, kaibigan, at sa mga taong nakiisa at tumulongβmaraming maraming salamat. Kayo ang naging inspirasyon namin para ibigay ang aming galing sa entablado.
At higit sa lahat, sa mga taong kasama namin simula pa lamang, mula sa pinakaunang hakbang hanggang sa tagumpay na itoβhinding-hindi namin makakalimutan ang inyong suporta at paniniwala sa amin.
Ang panalong ito ay hindi lang para sa amin, kundi para sa buong komunidad na patuloy na sumusuporta at nagmamahal sa sining. ππΊ