22/01/2026
75 Taon ng Walang Humpay na Serbisyo sa Sambayanang Pilipino
Pitumpu’t limang taon ng patuloy na paglilingkod. Pitumpu’t limang taon ng pagiging sandigan ng bawat pamilyang Pilipino.
Sa loob ng 75 taon, naging saksi ang mamamayang Pilipino sa di-matatawarang pagseserbisyo at walang patid ng pagtulong ng DSWD sa mga nangangailangan. Sa bawat pagsubok at hamon ng panahon, nanatiling matatag ang DSWD sa pag-alalay at pagbibigay ng pag-asa sa ating mga kababayan.
“Henerasyon Ngayon Para sa Henerasyon ng Kinabukasan.” Ang tema ng 75th Anniversay ng DSWD ay sumasalamin sa mahalagang tungkulin ng Kagawaran na magtatag ng matibay na pundasyon para sa hinaharap. Ang bawat pagkalinga, serbisyo, at programang ipinagkakaloob sa kasalukuyan ay nagsisilbing mahalagang puhunan sa pagbuo ng isang mas ligtas at mas maunlad na bukas.
Mula noon hanggang ngayon, at hanggang sa mga darating pang henerasyon, mananatiling kaagapay ng mga Pilipino ang DSWD sa pagtahak tungo sa isang mas maliwanag, mas inklusibo at mas progresibong Pilipinas para sa lahat.
❤️