01/04/2026
๐๐ ๐ ๐๐๐ -๐๐๐ซ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐๐ข๐ ๐ก ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ, ๐๐๐ ๐ญ๐๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐ค๐-๐ ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ๐; ๐๐๐ข๐ญ๐๐ง๐ ๐๐, ๐๐๐ ๐๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐ค๐-๐๐ ๐๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐ -๐๐ฉ ๐๐๐ซ๐๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ
๐๐ข๐ฏ๐ถ๐ฏ๐ถ๐ญ๐ข๐ต: ๐๐ถ๐ป๐ฆ๐ต๐ฉ ๐. ๐๐ฆล๐ข๐ณ๐ฆ๐ฅ๐ฐ๐ฏ๐ฅ๐ฐ
๐๐๐ฃ ๐๐๐๐๐ฃ๐ฉ๐, ๐๐๐๐ข๐๐ฃ๐๐ฃ โ ๐๐๐ฉ๐๐๐ช๐ข๐ฅ๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐๐จ๐๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐ ๐ฃ๐ ๐ฟ๐ง. ๐๐๐ก๐จ๐ค๐ฃ ๐ผ. ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ๐๐ก ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ค๐ค๐ก (๐ฟ๐๐ผ๐๐๐๐) ๐๐ฃ๐ ๐๐ ๐-9 ๐ฃ๐ ๐๐๐๐ฉ๐๐ฉ๐๐ฅ๐ค๐จ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ค๐ง ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ค๐ค๐ก ๐๐ฉ ๐๐ ๐-11 ๐๐๐ง๐๐ข๐ค๐ฃ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐ฉ๐๐๐จ ๐ฃ๐ ๐ผ๐ฃ๐ฉ๐๐จ ๐ฃ๐ ๐ฝ๐๐๐ฉ๐๐ฃ๐ 10 ๐ฃ๐ค๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐ง๐จ๐ค 31, 2026 ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฎ ๐ฉ๐๐ข๐๐ฃ๐ โ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฃ๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐๐จ๐๐ฅ๐๐๐ฉ๐๐ฅ๐ค๐จ: ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ข๐ช๐ฃ๐ค ๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฎ ๐๐๐ ๐๐ฎ๐๐๐๐ฃ ๐๐ฉ ๐๐๐๐ช๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐ ๐๐ฉ๐๐ค.โ
Pinangunahan nina Bb. Dinah L. Arevalo at Bb. Jerlyn C. Comeda ang programa bilang Tagapangasiwa ng Seremonya. Nagsimula ang pagdiriwang sa isang marangal na prusisyon na dinaluhan ng mga magsisipagtapos, kanilang mga magulang, g**o, at mga panauhin.
Kabilang sa prusisyon sina Punong G**o G. Ronilo B. Palmaria at G. Edison A. Caรฑas, ang kinatawan ng DepEd Libmanan III. Naroyan sina Gng. Nanie Ayao, kinatawan ng edukasyon ng Brgy. San Vicente, at Gng. Corazon Pototan, Pangulo ng School Parent-Teacher Association (SPTA).
Sinundan ito ng pagpasok ng watawat ng Pilipinas na pinangunahan ni G. John-Aron Baldonado at ng mga piling mag-aaral. Isinunod ang pag-awit ng Pambansang Awit ng Pilipinas at ang awiting panalangin na inihandog ni Mr. Jericho Lazaro ng Baitang 12-Rizal.
Sa pambungad na pananalita, binigyang-diin ni Gng. Stephanie A. Casaul na ang pagtatapos ay bunga ng maraming taon ng pagsisikap, tiyaga, at sakripisyo, at nagsisilbing panibagong simula tungo sa mas malaking responsibilidad.
Nagbigay rin ng inspirasyonal na mensahe si Bb. Charmea Liegh B. Austria ng ikalabing dalawang baiting bilang isa sa mga natatanging mag-aaral na kinilala sa larangan ng akademiko.
Isinagawa ni G. Ronilo B. Palmaria, ang Presentation of Candidates for Graduation and Completion at sinundan ito ng Confirmation of Candidates for Graduation and Completion ni G. Edison N. Caรฑas ang kinatawan ng DepEd Libmanan III.
Sa di inaasahang pagkakataon, naantala ang pagdating ng panauhing pandangal, kayaโt si G. Palmaria ang pansamantalang nagbahagi ng isang nakaka-antig na kuwento tungkol sa kanyang sariling karanasan, isang batang nagmula sa hindi kumpletong pamilya at may kahirapan sa buhay, ngunit nagsumikap upang makapagtapos.
Matapos nito, isinagawa ang pagbibigay-parangal sa mga mag-aaral na nagkamit ng karangalan mula Baitang 10 at Baitang 12. Sa kalagitnaan ng programa, dumating ang panauhing pandangal. Ipinakilala ni G. Ronilo B. Palmaria ang panauhing tagapagsalita na si Hon. Edelson M. Marfil, Alkalde ng Libmanan.
Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Alkalde Marfil ang mga nagsipagtapos na mangarap nang malaki, magsikap, at maglingkod sa kapwa bilang paghahanda sa kanilang kinabukasan.
Matapos ng mensahe mula sa Alkalde, pamamahagi ang mga diploma at sertipiko na pinangunahan nina G. Ronilo B. Palmaria at G. Edison N. Caรฑas, kasama si Hon. Marfil at ang mga tagapayo ng Baitang 10 na sina Gng. Liezl N. De Vega, Bb. Carmela R. Salva at Baitang 12, Bb. Kay Jewel P. Fajardo.
Isang parangal ng pagkilala naman ang iginawad kay G. Aramando V. Bien atG. Deogracias C. Bathan dahil sa ipinakita nilang walang sawang suporta sa eskwelahan at sa kanilang mga anak at apo.
Sinundan ito ng Pledge of Loyalty na pinangunahan ni Jenebie N. Camacho at ng Alumni Pledge na pinangunahan ni Gng. Jezan M. Sanchez, bilang simbolo ng pangakong dadalhin ang dangal ng paaralan saan man sila mapunta.
Naghandog ng mga awitin ang mga nagtapos bilang pagpupugay at pasasalamat, kabilang ang โWe Rise Todayโ at ang โSaranggolaโ ng Ben&Ben.
Lalong naging makahulugan ang programa sa huling awitin na may pamagat "Awit ng Anak sa Magulang" na inalay sa mga magulang, kasabay ng pagbibigay ng mga bulaklak bilang pasasalamat sa kanilang pagmamahal, sakripisyo, at walang sawang suporta.
Inawit ang School Hymn sa pangunguna ni Ms. Jonalyn D.C. Paez, at sinundan ng pangwakas na pananalita ni G. Ronilo B. Palmaria, kung saan kanyang ipinahayag ang pagbati at pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng seremonya.
Nagtapos ang programa sa pormal na paglabas ng watawat at pormal na paglabas o recessional ng mga panauhin, g**o, magulang, at mga nagsipagtapos. Isang simbolo na ang pagtatapos ng isang taong panuruan, ay simbolo ng bagong henerasyon na nahubog na may sipag, tiyaga, at determinasyon na handing humarap sa mas malaking mundo.
๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐ก๐ข ๐ฑ๐๐๐๐๐๐๐๐
๐ด๐๐๐๐๐-๐๐-๐ฒ๐๐๐๐: ๐ฐ๐๐๐๐๐ ๐ผ๐๐๐๐ ๐ณ๐. ๐ฐ๐๐๐๐๐๐
๐ณ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ณ๐ฝ๐ฐ๐ผ๐ฝ๐ท๐