10/05/2026
ICYMI | Matagumpay na naidaos ng mga mag-aaral ng ikatlong taon ng BS Development Communication Program ang PUNLA NG UGNAYAN, katuwang ang mga magsasaka ng palay sa Brgy. Talahiban II, San Juan, Batangas, nitong ika-10 ng Mayo.
Layunin ng participatory agricultural immersion na makinig, matuto, at makipag-ugnayan sa mga kalahok upang makapangalap ng mga datos na maaaring iproseso upang makagawa ng polisiya at mga susunod na hakbang.
Sentro ang pagsusuri sa kanilang sariling kalagayan, ibinahagi ng mga magsasaka ang kanilang mga karanasan para sa mas malalim na pag-unawa at pakikipagpalitan ng mga kaaalaman.
Inaasahang nagsilbing espasyo ang aktibidad upang makatulong sa pagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ang pamantasan at pamayanan.