07/09/2026
π MARAMING, MARAMING SALAMAT! π
ANTIPOLO CITY MOTORCYCLE ENDURANCE CHALLENGE β CALABARZON ROUTE MAP 600KM (ACMEC 2026)
As we come to the conclusion of ACMEC 2026, I want to take this opportunity to thank everyone who became part of this event and helped make it a success.
Sa pagtatapos ng ACMEC 2026, nais naming ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi, tumulong, sumuporta, at nagtiwala sa aming event.
Hindi magiging ganito ka-successful ang ACMEC 2026 kung wala kayo.
SPECIAL THANKS TO OUR SPONSORS & PARTNERS
HH Asia Trading Inc. - Valvoline Distributor
Maraming salamat sa inyong sponsorship partnership sa ACMEC 2026! at sa napakabait at napaka-supportive na Valvoline staff.
Dahil sa inyong suporta, naging mas makulay, mas buhay, at mas maganda ang ACMEC grid!
ELCA Light & Sound System
Solid ang supporta ninyo sa amin, mula pa noong Powerloop event hanggang ACMEC 2026. Maraming salamat sa walang sawang suporta!
Bunso Printing Services
Maraming salamat sa pag-sponsor ng aming event tarpaulins. Malaking tulong po ang inyong suporta sa ACMEC!
Antipolo City LGU & Rizal Province
Maraming salamat sa inyong suporta at sa pag-apruba at pagtulong upang maisagawa nang maayos ang ACMEC 2026.
The Riders Gallery
Maraming salamat sa inyong wonderful set of event kits! Napaganda ninyo ang ACMEC experience para sa ating mga participants.
Antipolo Sport Educational Hub.
Maraming salamat sa lahat ng staff ng Antipolo Sports Hub sa pagiging bahagi ng aming event at sa pagtulong upang maging smooth ang operation ng ACMEC venue.
ACMEC Official Photographer β Ehdz_Photochamba
Maraming salamat sa pagkuha at pag-preserve ng mga memories, moments, at smiles ng ACMEC 2026. πΈ
Solido Endurance Team Philippines Inc.
Mula PowerLoop 8 - Motorcycle Road Rally 2026 hanggang Antipolo City Motorcycle Endurance Challenge, lagi kayong supportive at maaasahan.
Special mention kina Head marshal kaikel, aries, patricia, karogs, robert, renz, myrnickevin, mj, ian, marcklester, rhot, yam, neil, papabear, doc marshal, philip, jhon jefferson, titobee at Admin gracey na walang sawang tumulong sa inquiries sa page, encoding, coordination, at iba pang kailangang asikasuhin bago at habang event.
Kung hindi dahil sa inyong oras, effort, commitment, at contribution, hindi magiging ganito ka-successful ang ACMEC 2026. Naulan man tayo, laban pa rin!
SA LAHAT NG ACMEC 2026 PARTICIPANTS
Maraming salamat sa 223 officially registered participants at sa lahat ng participating teams na nagbigay ng kanilang tiwala, oras, effort, at suporta sa ACMEC.
Sa 195 official send-off riders, umabot tayo sa 176 official finishers.
ACMEC 2026 Statistics:
223 Official Registered Participants - 100%
198 Official Send-Off β 88.79% of registered participants
176 Official Finishers β 90.26% of official send-off riders
176 Finishers out of 223 Registered β 78.92% overall finisher rate
At ang isa sa pinaka-nakakaproud sa ACMEC 2026:
MARAMI SA ATIN ANG FIRST-TIMERS!
Maraming salamat sa mga unang beses sumubok sa motorcycle endurance at pinili ang ACMEC bilang inyong unang endurance challenge.
Sa kabila ng pagod, ulan, puyat, kaba, at mga pagsubok sa 600KM route, marami sa ating mga first-timers ang nakatapos at naging FINISHER!
Congratulations sa inyong lahat!
Sa mga FINISHER β CONGRATULATIONS!
Sa mga NON-FINISHER β CONGRATULATIONS PA RIN!
Hindi man lahat nakakuha ng finisher status, proud kami sa bawat isa sa inyo dahil sinubukan ninyo, nilaban ninyo, at higit sa lahat, pinili ninyong unahin ang safety.
At higit sa lahat, we are happy and grateful to announce that:
ZERO MAJOR ACCIDENTS!
May ilan tayong mga minor incidents, pero ang pinakamahalaga sa lahat β nakauwi kayong lahat nang ligtas sa inyong tunay na finish line: ANG INYONG MGA TAHANAN.
Dahil ang ACMEC ay HINDI KARERA.
Hindi ito tungkol sa kung sino ang pinakamabilis.
Ito ay tungkol sa disiplina, endurance, adventure, camaraderie, at higit sa lahat β SAFETY.
Sa lahat ng sumama, sumuporta, nagtiwala, tumulong, nag-volunteer, nag-sponsor, nag-organize, nag-marshall, nag-document, at nakipagsapalaran sa amin sa ACMEC 2026 β
MARAMING MARAMING SALAMAT PO!
223 riders. One route. One challenge. Countless memories.
Naulan man tayo, laban pa rin.
600KM man ang layo, tinapos natin ang laban.
At ang pinakamahalaga β nakauwi tayo nang ligtas.
ACMEC 2026 β MARAMING SALAMAT, EVERYONE!
See you on the next ride!
OFFICIAL RESULTS & UNCLAIMED KITS
Soon, we will be posting the official ACMEC 2026 results, including the complete list of FINISHER, DNS, DNF, and DQ results.
Para naman sa mga may unclaimed kits, i-PM niyo lang ako para maayos natin at maisabay sa next shipping batch ko
Maraming salamat po sa lahat ng naging bahagi ng ACMEC 2026!
Until our next endurance ride!
EVENT DIRECTOR Win P. Eguiang