24/05/2026
𝐏𝐀𝐍𝐎𝐎𝐑𝐈𝐍 | 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗞𝗜𝗞𝗜, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗠𝗣𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗞𝗨𝗪𝗘𝗡𝗧𝗢 𝗡𝗜 𝗣𝗢𝗧𝗘𝗡 𝗔𝗧 𝗗𝗢𝗠𝗜𝗡𝗚𝗔
Isang makulay at makabagbag-damdaming pagtatanghal ng kulturang Bicolano ang nasilayan sa Poten: Life and Works of Potenciano Gregorio, na ginanap noong Mayo 19, 2026, sa Plaza Pugad Lawin. Sa pagtatanghal na ito, muling nabuhay ang alaala ni Potenciano Gregorio at mas naipakita kung paano patuloy na nagiging bahagi ng ating pagkakakilanlan ang sining, musika, at tradisyong Bicolano.
Isa sa mga pinakatumatak na tagpo ng dula ang harana at panliligaw ni Poten kay Dominga, kung saan tampok ang Sinakiki, isang masiglang sayawing pambayan mula sa isla ng Rapu-Rapu, Albay, na nagdala ng saya, lambing, at buhay sa entablado. Hindi lamang musika at galaw ang ipinakita rito, kundi pati ang kaba, kilig, at pagnanais na mapasagot ang minamahal. Sa bawat hakbang at kumpas, mas naging malapit sa damdamin ng manonood ang kuwento ni Poten, isang kuwento ng pagmamahal, pagkamalikhain, at pagpapahalaga sa sariling kultura, na para ring salamin ng mga simpleng ligawan at pagdiriwang sa ating mga komunidad.
[🎥: Erich Colleine Barrios]